
Actor Derrick Monasterio to star in GMA-7’s ‘Tsuper Hero’
Finally, after ng ilang taon niya sa showbiz, ngayon ay bidang-bida na si Derrick Monasterio. Siya ang nasa title role sa bagong action comedy series ng GMA 7 na “Tsuper Hero”. Hindi na siya basta leading man lang kagaya ng ginampanan niya noon sa mga seryeng ginawa niya.
Hindi dumaan sa auditon si Derrick para sa role na “Tsuper Hero.” Personal choice siya ng Kapuso network para rito. Kaya naman sobrang nagpapasalamat siya sa kanyang mother studio na pinagkatiwalaan siya na bigyan ng sariling show.
“Natuwa ako nung sinabi sa akin na magli-lead ako sa isang sitcom. Sobrang sarap ng feeling at the same time nakaka-pressure kasi sa‘yo ibi-blame kung hindi magiging successful ang show. Pero good thing is, my co-stars are very supportive, professional and excellent when it comes to our craft. And syempre, yung directors and writers, hands-on din,” sabi ni Derrick.

Sa Tsuper Hero ay si Bea Binene ang leading lady ni Derrick. Natutuwa ang aktor na muling nakatrabaho si Bea.
“Si Bea kasi close na kami, gamay na namin yung isa’t-isa. Kaya natutuwa ako na magkatrabaho kami ulit.”
Bukod kina Derrick at Bea, kasama rin sa Tsuper Hero sina Alma Moreno, Phillip Lazaro, Migz Cuaderno, Michael V, Betong Sumaya at Gabby Concepcion. Sa November 19 ang pilot episode nito. Mapapanood ito tuwing Linggo sa GMA 7.
_____________________________________________________________________
Umabot pala sa puntong gusto nang mag-quit ni Marion Aunor sa music industry kahit na maganda naman ang takbo ng kanyang singing career.
Ayon kay Marion Aunor nang makausap namin siya kamakailan, umabot pala sa puntong naisip niyang mag-quit na sa music industry.

“Minsan, napi-feel ko na gusto ko nang mag-quit kasi ang hirap. Tapos si Mom [Lala Aunor] naman, nagdasal siya na sana may sign na ganito. Tapos lumabas yung nominations the next day. Hayun, parang nasagot yung prayers niya, kung itutuloy ko pa ba o hindi? Nag-send kasi ng message si God na…Siya kasi [referring to her mother], gusto niyang maging successful ako. At hindi natin alam ang number of years na malalaman mo kung magiging successful pa ba o itutuloy pa ba,” sabi ni Marion
Inisip na lang din ni Marion ang ibang kapwa niya singer na nagbilang ng maraming taon bago nagkapangalan o sumikat sa music industry.
“Nababasa ko rin naman sa write-ups ng mga artist na ilang years talaga bago yung break. Ay ang tagal na pala nila, tapos sikat na sila ngayon. Ang dami rin nilang pinagdaanan.”

Samantala, sa October 16, Sunday na gaganapin ang concert ni Marion billed as Marion + Le Band sa 9 East Bar, sa Sucat Paranaque. Ipinagmalaki raw niya ito at sa muli ay makakasama niya ang balladeer na si Michael Pangilinan. Ang magiging host ng concert ay ang DZMM Teleradyo Chismax host na si Ambet Nabus.