May 27, 2025
Actor-politician Yul Servo grateful to Piolo Pascual
Latest Articles

Actor-politician Yul Servo grateful to Piolo Pascual

Feb 26, 2019

Inamin ng award-winning actor at Manila congressman si Yul Servo na nalulungkot siya kapag naba-bash ang kaibigan niyang si Piolo Pascual sa social media.

Katunayan, kahit daw di niya damayan ito ay kaya na nitong magdala ng problema. 

“Kabisado ko naman kung paano siya magdala dahil matagal ko na siyang nakasama. Alam ko kung paano niya i-handle ang kanyang buhay. Kayang-kaya niya iyon,” sey ni Yul. 

Aware rin siya na kamakailan lang ay nabiktima ito ng malisyosong balita tungkol sa pagkaka-link nito sa isang good-looking foreigner guy na kasama nitong nakunan sa isang picture.

“Minsan talaga, ganoon ang buhay. Part iyon ng industry,” aniya. 

Sey pa niya, walang katotohanan ang nasabing tsismis dahil higit kaninuman ay kilala niya ang Kapamilya actor. 

Paliwanag pa niya, hindi na rin siya naiilang sa estado ng pagkakaibigan nila ni Papa P. ngayon kumpara noong mga panahong bago pa lang siya at nali-link sila sa isa’t-isa.

“I think nag-mature na kami at alam na rin naming i-handle kapag may mga ganoong naglalabasan,” paliwanag niya.

Happy din siya dahil kahit hindi niya hilingin ay nagkakaloob  si Papa P.  ng tulong sa kanyang mga constituents sa Maynila. 

Pagpapatotoo pa niya, marami raw pinasaya ito noong birthday niya noong nakaraang buwan kung saan namahagi ito ng mga de lata at ham sa kanyang mga constituents.

Bilib din daw siya sa lihim na pagkakawanggawa nito na hindi ibinabando sa publiko. 

Pagbubunyag pa niya, malalim na rin ang pagkakaibigan nila dahil ninong ito ng apat sa limang anak niya. 

Hindi rin daw masama ang loob niya kung hindi siya ikampanya nito dahil naiintindihan niya ang mga ipinagbabawal sa isang product endorser. 

Mananatili raw malaki ang utang na loob niya  sa aktor dahil noong kumandidato siya bilang first-time councilor ay hindi ito nagkait ng tulong para sa kanyang kandidatura. 

Feeling naman ni Yul , hanggang ngayon ay ginagabayan pa rin siya ng namayapa niyang mentor na si Direk Maryo J. delos Reyes. 

Sa kanyang termino bilang three-time councilor at two-termer Congressman, marami nang na-accomplish si Yul na may kinalaman sa pagsulong ng mga Manilenyo tulad ng mga livelihood, infrastructure at social welfare projects. 

Naging Second Assistant Majority Floor Leader din siya at naging Vice Chairperson ng Committee on Appropriations at member ng Committees on Appropriation, Metro Manila Development,Natural Resources, Science and Technology,Suffrage and Electoral Reforms, Tourism,Transportation and Welfare of Children.

Si Yul ay kumakandito bilang Congressman ng Third District of Maynila sa ilalim ng partidong Asenso Manileño. 

Leave a comment