May 24, 2025
Actor-public servant Alex Castro donates bikes to frontliners, rejects Kapamilya serye
Latest Articles

Actor-public servant Alex Castro donates bikes to frontliners, rejects Kapamilya serye

Sep 22, 2020

Walang kapaguran ang actor/public servant na si Alex Castro sa pagseserbisyo sa kanyang constituents sa 4th District ng Bulacan, na isa siyang Board Member.

Sadyang kakaiba ang dedication ni Alex bilang lingkod-bayan. Sa gitna ng pandemic na dulot ng Covid19, namigay siya sa kanyang constituents ng bigas, grocery items, gulay, face masks, PPE’s at iba pa.

Recently, namahagi rin siya ng mga bisikleta para makatulong sa frontliners sa pagpasok sa kanilang trabaho.

Nalaman din namin na ang suweldo ni Alex bilang BM ay inilaan na niya sa pagtulong sa mga kababayang Bulakenyo, mula nang nagkaroon ng pandemic.

Samantala, ipinakita ni Alex na ang kanyang pagseserbisyso sa mga kababayan sa Bulacan ang mas priority niya, kaysa sa trabaho niya sa showbiz nang nag-beg off  siya sa Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, Maricel Soriano, at Sam Milby starrer sa Kapamiya Channel.

Kuwento niya sa amin, “Originally kasama po ako sa cast ng Ang Sa Iyo ay Akin. Nakapag-taping na po ako bago magka-pandemic, maganda po sana ang role ko kaya po tuwang-tuwa ako noong kinausap ako ni Direk FM na paghandaan ko ang aking karakter.”

Esplika pa ni Alex, “Nakakalungkot lang po noong nagsimula ang pandemic, noong nag-resume na ng taping, hindi na po kaya ng schedule ko dahil marami po tayong ginagawa na pagtulong sa aking constituents, mga meeting laban sa Covid 19.

“Hindi po kaya ng schedule ko ang lock-in taping and ayaw ko rin po ma-compromise ang production dahil ako po’y laging nasa labas at nasa community, baka ako pa ang magdala ng sakit sa production.

“Kaya malungkot man po sa akin, ngunit kailangan kong magdesisyon na hindi na po ako matutuloy sa teleserye na iyon.”

Pahabol pa niya, “Nami-miss ko rin po ang acting at trabaho po iyon, pero tingin ko po, ngayon ay mas kailangan po ng tao ang mga nanunungkulang katulad ko sa pandemyang ito.”

Anyway, naibalita rin ni Alex na nag-author siya ng mga ordinansa para sa pandemic na ito.

“Gumawa rin tayo ng ordinances, katulad ng sa face mask, sa social distancing… Para po magkaroon ng ngipin yung ordinansa. Kasi po kapag executive order lang, wala pong parusa. Kaya kapag may sariling ordinansa, mapipilitan, kahit paano po ay sumusunod ang mga tao. So yun po, mga preventive measures.

“Then, mayroon po tayong resolution para sa mga frontliners, gumawa po ako ng resolution na nagdedeklara every March na Frontliner’s Month sa Bulacan. Ito po ang kauna-unahan sa Filipinas.”

Pinasalamatan din niya ang mga tumutulong sa kanya para sa mga kababayan sa Bulacan.

Kabilang na rito ang very generous at supportive na CEO at President ng Beautederm na si Ms. Rhea Anicoche-Tan.

“Napakalaki ng naitulong ng Beautederm sa pangunguna ng aming CEO Ate Rei, sa mga kababayan kong Bulakenyo, magmula sa mga alcohols, hygiene kits, PPE, at marami pang iba, na idinonate sa atin upang maibahagi sa mga kababayan natin.”

Idinagdag pa ni Alex na sobrang nami-miss na niya ang kanyang Beautederm family, na isa siya sa endorser.

“Sobrang miss na miss ko ang Beautederm family! Iyong bonding time, tawanan, biruan, tapos ‘yung mall shows, nakaka-miss po talaga. Kasi, pamilya na po talaga ang Beautederm. Napakabait po kasi ng CEO namin, si Mam Rei, hindi po niya kami pinabayaan kahit pandemic. Hindi siya nakakalimot, may ayuda rin kami, hahaha! May mga groceries, ang sarap po talaga ng pakiramdam,” masayang pahayag pa ni Alex. 

Leave a comment