May 23, 2025
Blind Fold

Actor’s gay lover and benefactor was the real reason behind celebrity couple’s breakup

Jun 4, 2015

by PSR News Bureau

Muling nabubuksan ang masalimuot na kuwento ng pag-ibig ng dalawang artistang kamakailan lang ay naghiwalay. Kung iisipin, tunay naming nakapanghihinayang ang tatlong taong naging relasyon nila. Marami na ring naisakripisyo ang dalawang ito, lalo na ang girl. Dumating pa nga sa puntong kinailangan niyang mamili, kaibigan o pag-ibig? Ang huli nga ang pinili niya na hindi naman daw nito pinagsisisihan. Pero ang tunay na dahilan daw ng kanilang paghihiwalay ay dahil nabuko ni girl na mayroong gay lover ang guwapo nitong nobyo. May ilan na nagsasabing matagal nang alam ni girl ang tungkol sa gay lover ng binata dahil hindi naman daw itinago ito ng guy bago pa naging sila. Ngunit masyado lang diumano naging possessive yung bakla at pinamili din si aktor nito. Taga-Quezon City daw yung bading na nakatira sa isang pangmayamang village.

Ayon pa sa impormante ng Philippine Showbiz Republic (PSR), grabe daw kasi kung magregalo ang bakla sa binatang aktor—lahat daw ng naisin nito ay kanyang ibinibigay! Spoiled daw masyado ang aktor sa bading na ito. Branded na gamit—kotse at bahay, ganun daw ito kamahal ng bading. Kamakailan lang ay nakapagpatayo ng bahay ang aktor, bagamat nagtatrabaho naman ang aktor at may mga proyekto, hindi daw nito kayang bayaran ng buo ang nasabing bahay ng perang galing lang sa kanyang bulsa. Malaki ang naitulong ng bading na iyon para mabayaran kaagad ng aktor ang property na iyon.

Makailang beses nang nag-deny ang aktor tungkol sa relasyon nito sa gay lover. Pasalamat na lang si aktor na nananatiling tikom ang bibig ng aktres sa issue na ito gayung madami sana siyang maaaring isiwalat. Minahal kasi talaga ng aktres ang aktor sa ating blind item. Ang hindi lang niya kinayang tanggapin ay nang piliin ng aktor ang beki kay sa sa kanya na isang tunay na babae.

Leave a comment

Leave a Reply