May 22, 2025
Actress Manilyn Reynes gets two nominations from PMPC Star Awards for TV
Latest Articles This is it!

Actress Manilyn Reynes gets two nominations from PMPC Star Awards for TV

Oct 11, 2016

Dalawa ang nakuhang nominasyon ni Manilyn Reynes sa darating na 30th PMPC Star Awards For TV na gaganapin sa October 23 sa Novotel, Araneta Center, Cubao. Nominado siya for Drama Supporting Actress of the Year para sa defunct series na Destiny Rose na gumanap siya rito bilang nanay ng bida ritong si Ken Chan. At nominado rin siya bilang Comedy Actress of the Year para naman sa sitcom na “Pepito  Manaloto” na gumanap siya rito bilang asawa ni Michael V. O di ba, bongga si Mane?

In fairness, mahusay talaga si Mane sa DR. Ang dami niyang eksena rito na lutang na lutang ang pag-arte niya, na nadala kaming members ng PMPC sa kanya na naging dahilan para ma-nominate nga siya for  Drama Supporting Actress of the Year. At sa Pepito Manaloto, hindi rin siya nagpakabog kay Michael V sa pagpapatawa. Lutang na lutang din dito ang pagiging komedyana niya kaya pasok nga rin siya bilang isa sa mga nominado para sa Comedy Actress of the Year.

Versatile actress talaga itong si Mane. Mapa-drama at comedy ay mahusay siya. Kaya naman proud na proud sa kanya ang mister niyang si Aljon Jimenes na tumatayo rin bilang kanyang personal manager.

—————————————————————————————————

Sa pag-amin ni Rosanna Rocess na isa siyang bugaw, na dinadalhan niya ng babae noon sa New Bilibid Prison ang convicted high profile drug lord na si Vicente Sy, iisa lang ang ibig sabihin nito, na wala na siyang pera, na naubos na ang ipon niya nung kasagsagan ng kasikatan niya bilang isang sexy star.

rosannarocesfb_1aac01a1bb2a4a16b67966f048842741

Sa ngayon nga kasi ay hindi na ganun kaaktibo sa showbiz si Osang. Sa indie na lang natin siya napapanood at paminsan-minsan lang naman. At mababa lang naman ang bayad sa indie. Kaya talagang mahihirapan na siyang makaipon ulit.  Naaawa kami kay Osang na ang dating sikat na sexy star na ngayon ay isa na lang bugaw.  At ano kaya ang naging reaksyon ng dalawa niyang anak na sina Onyok at Grace sa rebelasyon niyang isa siyang bugaw?

Leave a comment