Actress Neri Naig suffers miscarriage
Isiniwalat ng aktres na si Neri Naig na nagkaroon siya ng miscarriage sa magiging panganay sana nila ng asawang si Chito Miranda ng bandang Parokya Ni Edgar. “I lost my baby two months ago,” bulalas ni Neri.
Matatandaang buwan ng Mayo ng taong ito nang ibalita ng mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig ang pagdadalang-tao ng aktres. Bagamat hindi na nag-elaborate pa si Neri tungkol sa pinagdaanan nito, kapwa sila malungkot na nakunan ang aktres sa inaasahan sana nilang sanggol. Pero katwiran ng mag-asawa, hindi daw siguro panahon pa para mabiyayaan sila ng anak. Sa pagkawala ng kanilang anak, sinusubukan daw nila parehong makapag-move on.
Ikinasal ng dalawang beses ang aktres kay Chito Miranda noong Disyembre 2014 matapos nilang masangkot parehas sa pagkalat ng isang pribadong bidyo noong taong 2013.