May 22, 2025
After 12 years, filmmaker Kaka Balagtas directs new action film, plans to join Cinemalaya
Latest Articles

After 12 years, filmmaker Kaka Balagtas directs new action film, plans to join Cinemalaya

Mar 1, 2021

May natapos na short film ang baguhang aktor na si Al Fred Montero. Isa itong action, na mula sa direksyon ng batikang direktor na si Kaka Balatas.

“Ako po rito si Rael. May asawa po ako. Nung namasyal po kami sa tabing ilog, may mga masasamang tao na dumating. Ni-rape at pinatay nila ‘yung asawa ko. Tapos, akala po nila patay na kami, tinapon nila kami sa ilog. Pero ‘yung asawa ko lang po ang namatay, ako po buhay pa,” kwento ni Al Fred nang makausap namin siya sa photoshoot

 niya para sa Takas.

“Tapos po, may nakakita sa akin, si Mang Nanding ‘yung character niya. Tinulungan niya po ako, binihisan, tapos pinalakas,” aniya pa.

Nung gumaling at lumakas, nag-aral ng martial arts, paano humawak at gumamit ng baril ar pagtatanim ng bomba si Al Fred, para maghiganti sa nang-rape at pumatay sa kanyang asawa.

“Marami po akong eksena na habulan sa pelikula. Kasi po, naglagay ako ng patibong, ng bomba para po sa mga kalaban ko.”

Puring-puri ni Al Fed si Direk Kaka bilang kanyang direktor, na first time niyang nakatrabaho.

“Si Direk Kaka po napaka-humble niya. Tapos napaka-kalmado. Hindi mo siya maririnig na sumisigaw sa set. Tapos, sobrang bait po at magaling na direktor.”

Since action ang pelikula, paano niya ito pinaghandaan?

“Monthly po, nag-aaral ako ng martial arts, ng arnis,” sagot ni Al Fred.

Sino ba ang paboriro niyang action star na gustong maka-work?

“Si Coco Martin po at ‘yung mga beterano, like Roi Vinson.”

Sa mga babaeng artista, sino ang gusto naman niyang makatrabaho?

“Si Kathryn Bernardo po kasi versatile actress siya,” sagot niyq.

Samantala, natutuwa si Direk Kaka, dahil after 12 years of absence sa paggawa ng action film ay nakagawa uli siya. Ito ngang Takas

Huling pelikulang ginawa ni Direk Kaka ay ‘yung Anak Ng Kumander na bida si Sen. Manny Pacquiao.

Kung puring-puri ni  Al Fred si Direk Kaka ay puring-puri rin siya nito. Wala raw angal ang binata sa lahat ng mabibigat at action scenes na ipagawa niya rito.

“Wala siyang attitude. Kahit saan siya isabak pwede siya.”

Naniniwala si Direk Kaka na makikilala at magiging sikat na action star si Al Fred.

“Sa tingin ko, sa kanya uusbong ang bagong action star. Wala naman tayong mga bagong action star ngayon.”

Sa tingin niya ba ay si Al Fred na ang susunod sa mga yapak nina Rudy Fernandez at Cesar Montano?

“Yan ang sa tingin ko. Makikita naman sa kilos niya (pang-action ang dating). Marunong tayong tumingin. Me mata tayo pagdating sa ganyan. Kita ninyo nga si Rita Magdalena (dating sexy star). Nakita ko siya noon na kumakain ng lugaw. Sabi ko ‘pag nagawa natin ng pelikula itong batang ito. Sumikat siya nang todo nung gawin namin ang Makamandag Na Bango. Du’n na nagsimula. Kaya lang nawala siya, dahil umibig. Ang pag-ibig talaga, salbahe. Kapag umibig, du’n nakakalimutan ang trabaho,” nakakatawang pagbabalik-tanaw pa ni Direk Kaka kay Rita.

Plano ni Direk Kaka na isali sa darating na Cinemalaya ang Takas.

Leave a comment