
After ‘ANMD,’ Ricky Gumera preparing for his launching movie ‘Ang Bagong Totoy Mola’
Hindi pa man namin napapanood ang Anak Ng Macho Dancer mula sa Godfather Productions ni Joed Serrano, sinabi na namin sa aming sarili na once naipalabas na ito via KTX.ph ay siguradong mapipirata ito.
Hayan na nga at nangyari na, nung ipalabas ito noong Sabado, January 30, worldwide.
Madali na lang kasi talaga itong mapipirata eh. At ‘yung mga namirata hayan at pinagkakakitaan na nila ito.
Ibibigay daw nila ang link, magbayad lang ang gustong makapanood. Grabe na sila!
Hindi na naawa sa movie producer. Pero ang magiging problema nila dahil sa kanilang social media accounts ay nakilala sila ni Joed.
Hina-hunting sila ngayon at ididimanda. Handang magbayad si Joed ng 10k sa sinumang makapagtuturo sa mga pumirata ng kanyang pelikula.
Dapat lang maturuan ng leksyon ang mga ito. At para matakot na rin ‘yung mga susunod na mamimirata ng pelikula,
di ba?
Hindi ba nila alam na bawal ang kanilang ginagawa. May batas na anti-piracy pero sige pa rin sila.
Isa sa cast ng Anak Ng Macho Dancer si Ricky Gumera. In fairness, mahusay siya sa movie huh!
May mga eksena siya roon na walang dialogue, pero ang mata niya ang pinagana niya, ang umaarte.
Para siyang si Nora Aunor pagdating sa aktingan. Isa siguro sa dahilan kung bakit mahusay na aktor si Ricky, ay dahil may pinaghuhugutan siya.
Laki kasi siya sa hirap. At nakatulong din ang pag-attend niya ng acting workshop kay Ruby Ruiz.
Samantala, ang pelikulang magsisilbing launching movie ni Ricky na Ang Bagong Totoy Mola, ay hindi lang ang Godfather Productions ang magpo-produce, kundi pati na rin ang Viva. Nag-collab ang dalawang movie outfits.
O di ba, bongga si Ricky?