May 22, 2025
After watching birthing vids, Iza Calzado gets traumatized
Latest Articles

After watching birthing vids, Iza Calzado gets traumatized

Jul 15, 2019

Masaya si Iza Calzado dahil balik-Cinemalaya na naman siya ngayong taon pagkatapos magbida sa “Distance” last year.

Tampok siya sa pelikulang “Pandanggo sa Hukay” ni Sheryl Rose Andes kung saan isang kumadrona ang kanyang role.

 “It’s totally different sa mga roles ko sa previous Cinemalaya movies, although I love na hindi niya kailangang ng makapal na makeup kasi hindi naman glamorized iyong role,” aniya.

Bilang paghahanda sa kanyang role sa nasabing pelikula, kinailangan niyang manood ng birthing videos sa Youtube at aminado siyang na-trauma siya.

“Don’t ever watch birthing videos. I wouldn’t recommend it, lalo na if you wanna have a child. Baka ma-traumatize ka,” paliwanag niya.

Hirit pa niya, sobra raw naapektuhan siya sa hirap na dinaranas ng mga babaeng nanganganak.

“You’ll get a little anxious, kasi ,like seeing it up close? On YouTube, they have it, ah? I was surprised nga eh na, ‘Oh, it’s quite graphic but it’s on YouTube!’,” bulalas niya. 

“Because it’s not sexual, it’s a natural process. So it’s very upclose and it looks very painful,” dugtong pa niya.

Pagbibiro pa niya, kung dati raw ay nag-uumapaw ang excitement niya na magka-baby sila ng mister niyang si Ben Wintle, medyo nagbago raw iyon dahil  sa video na napanood niya.

Sa panonood ng graphic video, para raw hindi niya kakayanin ang ganoong ordeal kaya medyo na-stress siya.

Dahil sa dinanas na trauma, baka raw ipostpone muna niya ng isang taon ang planong pagkakaroon ng baby.

Gayunpaman, kahit traumatic ang dating sa kanya ng panganganak, bilib daw naman siya at sobra ang respeto sa mga babaeng nagsisilang ng sanggol.

“Hindi madali iyong ginagawa nila, tulad ng pelikula namin dahil kapag nanganganak sila, nagbabalanse sila dahil ang isang paa nila ay nasa hukay,” giit niya.

Kung mabibiyayaan ng anak, gusto ni Iza na manganak sa natural na pamamaraan at hindi niya feel na dumaan sa caesarian operation.

Mula sa direksyon ni Sheryl Rose Andes, tampok din sa “Pandanggo sa Hukay” sina  Mercedes Cabral, Charlie Dizon, Diva Montelaba, Ybes Bagadiong, Star Orjaliza, Acey Aguilar, at Sarah Pagcaliwagan-Brakensiek

Leave a comment