
After “Wildflower,” Aiko Melendez enters “Bagani”
Kinuha namin ang reaksyon ni Aiko Melendez tungkol sa nabasa namin na diumano’y nagalit ang ex-husband niyang si Jomari Yllana nang malaman nitong sumali sa car racing ang anak nilang si Andre.
Hindi raw kasi ito ipinaalam sa kanya ni Aiko at Andre. Nalaman lang daw ito ng aktor after na ng competition.
Kung nalaman niya lang daw ito agad, na sasalang sa car racing ang anak, ay hindi niya raw ito papayagan.
Delikado at mapanganib daw kasi ang car racing.
Tinanong na rin namin si Aiko kung ano ang susunod niyang serye sa ABS-CBN 2 after Wildflower na gumanap siya bilang main contravlbida na si Emila Adriente.
Sa reply sa amin ni Aiko, sabi niya,”Ha? Ahahhahaha! Aware si Jomari sa race ng anak namin. Infact Andre would speak to him kapag may itatanong about cars.
“May soap ako inumpisahan after Wildflower pero di pa raw pwede sabihin eh but it’s something big.”
Ang latest, naglabas na nang patikim ang “Bagani” sa karakter ni Aiko bilang Matadora.
Siguradong mas lalo pang aabangan ang nasabing teleserye dahil sa pagpasok ng karakter ni Aiko.
***************
Si Jepthah “Wow Magic” Callitong ang isa sa bets namin na makapasok sa Grand Finals ng Pilipinas Got Talent 2018.
Napakahusay nya sa pagma-magic at talaga namang napabilib nya ang mga manonood.
Pero noong semi-finals ay pumalpak siya sa kanyang magic na naging dahilan para hindi siya mapili sa grand finals.
Sayang, noh?! Ang mahalaga, naipakita nya ang kakayahan nyang mag magic.