May 24, 2025
Aga Muhlach counts Seven Sundays as his “first”
Latest Articles

Aga Muhlach counts Seven Sundays as his “first”

Oct 9, 2017

Isa si Aga Muhlach sa mga bida sa latest offering ng Star Cinema na “Seven Sundays” mula sa direksyon ni Direk Cathy Garcia-Molina.

Gumaganap siya bilang si Allan, ang panganay sa apat na magkakapatid.

Si Allan ay in constant conflict sa karakter na ginagampanan ni Dingdong Dantes, si Bryan, na ikalawang panganay sa pamilya.

Pilit ginagawa ni Allan ang lahat upang maging proud sa kanya ang kanyang ama na ginagampanan ni Ronaldo Valdez at kanyang mga anak at lagi niyang iniisip kung tama ba o hindi ang mga naging desisyon niya sa buhay.

received_10155941456741424

Ang “Seven Sundays” ay isang heartwarming film na nagpapaalala sa bawat Pilipino na bagama’t hindi lahat ng pamilya ay perpekto, isa lamang ang sigurado–ang pagmamahalan ng bawat miyembro sa kabila ng kanilang mga problema sa isa’t-isa.

“May tamang timpla ng drama at comedy ang pelikulang ito. Hindi pilit ang mga comedic sequences namin. I guess that’s the reason why these scenes are hilarious.

“The dramatic scenes on the other hand, will really touch in the hearts of moviegoers.

“This movie teaches us that it’s normal for siblings to fight and have disagreements and that no family is perfect. The important thing is that the love of every family for each other must always, always prevail despite whatever problem they face with one another,” sabi ni Aga.

received_10155941735971424

Ibinahagi ni Aga kung ano ang in-enjoy niya sa pelikula habang ginagawa pa lang niya ito.

First, ‘yung pelikula is my first time again, after how many years of absence in the movie industry. And that alone is like what made it really nice. And then coming to the set, first time kong nakatrabaho si Dingdong, si Direk Cathy, si Cristine (Reyes), si Enrique (Gil), so kinabahan din ako.

“Although nung in-offer sa akin itong pelikula, nung sinabi ‘yung mga pangalan nila, sinabi ko nga na nag-back draft muna ako, nag-research ako.  

“Alam ko namang mababait na tao talaga sila. And then na-confirm nga talaga ‘yun, nung nag-shoot kami. 

“You know, it was one of the best experiences also, really, para sa akin. They made it easy for me, ‘yung suporta na binibigay nila sa akin, lalo na si Direk Cathy na kinabahan din ako, na sinasabi niya kasi na kinabahan siya sa akin.

img_20171009_145649

“Pero siyempre, excited din ako to work with her. Masayang-masaya ako  sa madaling sabi, na eto ang naging resulta ng pelikula namin. Salamat sa Diyos talaga, na sila ang mga nakasama ko.”

Ano ang natutunan niya kay Direk Cathy sa una nilang pagsasama sa pelikula?

“Ah si Direk, magmura,” natatawang birong sagot ni Aga.

Bawi niya, ”Nung nakasama ko siya, kaya kong sabihin talaga na mali ‘yung mga sinasabi ng iba tungkol sa kanya na ganyan, ganyan siya, hindi! Mabiro siya sa set. ‘Yung mura niya is nothing personal, wala lang. Masaya siya. Magaling siyang katrabaho.

“Magaling siyang direktor dahil pag umarte ka, kahit pakiramdam mo tama ka, hihingin niya talaga ‘yung nakikita niyang dapat. So pwede mong sabihin sa kanya kung ano ‘yung nararamdaman mo na dapat mong gawin, pagbibigyan ka niya run, pero meron siya.

“Pag minsan, pag nag-aalangan ka, then you discuss with the director. Because at the end of the day, siya ang bumubuo ng pelikula, artista lang kami, sumusunod at umaarte. Siya talaga ang nagbubuo e, ang director talaga yan, kahit saang pelikula,” pagtatapos ng aktor.

img_20171009_143317

Ipapalabas ang Seven Sundays sa lahat ng cinemas sa buong bansa simula ngayong October 11, Wednesday.

Leave a comment