May 22, 2025
Aga Muhlach wants Atasha, Andres to enjoy their youth
Latest Articles

Aga Muhlach wants Atasha, Andres to enjoy their youth

Oct 18, 2019

Sa edad na 50, halos wala nang mahihiling pa ang magaling at multi-awarded actor na si Aga Muhlach.

Bukod sa kanyang successful career sa showbiz at pagiging multi-awarded actor, napaghandaan din niya ang kanyang kinabukasan at ng kanyang pamilya dahil sa kanyang investments.

Nasa punto rin siya ng kanyang karera na kung pipiliin niya ay puwede na siyang magretiro at mabuhay nang kumportable.

Blessed din siya sa pagkakaroon ng maaalahanin at maalagang asawang si Charlene Gonzales na naging katuwang niya sa pagpapalaki ng kanilang mga anak na sina  Atasha at Andres.

Ayon pa nga sa bida ng “Nuuk,” at 50, he is at his happiest, most comfortable and most content position now.

Napagdaanan na raw niya lahat, pero nandito pa rin siya at gumagawa pa rin ng mga pelikula. May filmfest movie pa siya sa December.

“‘Yung katawan mo, nag-iiba talaga. Punyeta. Lahat ng workout gagawin mo, tapos pagkain mo, isang kain lang, parang 20 lbs. na ‘yung kinain mo. Anyway, never surrender. Laban lang!” bulalas ni Aga.

Kahit busy sa trabaho, hindi raw niya nakakalimutan ang maglaan ng quality time sa piling nga kanyang  asawa at mga anak.

“Most of the time, we just stay at home. Iyon ang bonding time namin. When the kids are away, my wife and I, we talk over a cup of coffee. We also work out together. We also travel together,” kuwento niya.

Sey pa niya, gusto raw niyang ma-enjoy ang kanilang mga anak ang kanilang kabataan, kumpara sa kanya na maagang nasabak sa showbiz.

“Now that they’re teens, they have their own lives. They go to their room, they have their friends, they go to the gym, they have practice. So it’s pretty normal. We allow the kids to go out, to the mall, or have dinner with friends. We just always have to know where they are,” pagbabahagi niya.

“I guess, now is the time to just let them be a little independent or let them grow on their own. I grew up independently and I want them to experience the same thing. There’s a certain age that telling them what to do isn’t always the way to go, so you let them be,” dugtong niya.

Proud din si Aga dahil nakikita niyang lumalaki nang normal ang mga anak na para sa kanya ay walang hilig sa showbiz.

“I take pride, just seeing them, growing up normal. Makikita mo na nag-eenjoy sila away from the limelight. Parang feeling ko sa pagiging artista kong active na active ako, yet we were able to bring up our kids to live as normally as they could. Not that there’s anything wrong with being in the industry. It’s just that they don’t need it. If we can provide while they’re kids, we will do that. But they know for a fact that after college, they’re really on their own. We’ve instilled that, it’s not gonna be us providing them and working for them. Well, that’s what I tell them,” esplika niya.

Bida si Aga sa Nuuk kung saan ginagampanan niya ang role ni Mark Alvarez,  isang misteryosong Pinoy na may sub-zero love affair kay Elaiza Svendsen, (Alice Dixson) isang lonely Pinay immigrant sa Nuuk na nakaranas ng matinding depresyon sa pagkamatay ng kanyang Danish husband.

Kinunan sa “Nuuk,” isang autonomous region sa Denmark, kung saan napakataas ang insidente ng suicide sa nasabing siyudad.

Hindi raw layunin ng pelikula na i-promote ang lugar bilang isang tourist destination, kundi ibahagi ang isang magandang kuwento kung saan naging backdrop ang pelikula.

Happy din siya dahil reunited siya sa “Nuuk” kay Alice Dixson na nakasama niya noon sa mga pelikulang  pelikulang “Hot Summer” (1989), Joey Boy Munti’ (1991) at  “Sinungaling Mong Puso” (1992) noon.

Ang “Nuuk” na isang psychological thriller ay idinirehe ni Veronica Velasco at palabas na sa mga sinehan simula sa Nobyembre 6.

Leave a comment