May 22, 2025
Agot Isidro open to same sex relationship?
Latest Articles

Agot Isidro open to same sex relationship?

Jan 22, 2018

Isa si Agot Isidro sa mga bida sa musical film na “Changing Partners” mula sa direksyon ni Dan Villegas.

Gumaganap siya bilang isang career-oriented woman na nagkaroon ng relasyon sa mas batang lalaki at gay female.

Sa presscon ng naturang pelikula, tinanong ang singer-actress kung kinu-consider ba niya ang makipag-date sa isang tomboy o lesbian. Na ayon sa kanya, wala pa raw siyang na-experience na ganun, kasi wala naman daw nanligaw sa kanya na member ng third sex.

O kung meron naman daw na nagpapalipad-hangin sa kanya ay hindi naman daw niya nararamdaman o napapansin.

“Kasi dense ako sa mga ganyang bagay. Hindi ako nakakaramdam ng ligaw. Hindi ako asyumera,” sabi ni Agot.

Patuloy niya, ”Siguro nagpapahiwatig sila, na dinedeadma ko lang, sa kanila panliligaw na. So, siguro may nanligaw, hindi ko lang naramdaman. Kasi medyo dumb ako sa mga ganyan. Kailangan sinasabi mo sa akin na, ‘Uy, nililigawan na kita.’ “Wala pa, sa aking pag-iisip.”

Pero ayon kay  Agot, marami raw siyang kaibigan mula sa LGBT (lesbian, gay, bisexual, and transgender) community.

“I have very strong relations, relationships, friendships with any of the sexes or gender.

“Ang dami na ngayon, e. Meron pang questioning, merong LGBT, may fluid, may pansexual.

“So, hindi ako judgmental sa ganun.

“I really don’t see any problems having friendships or good relations with all genders.

“Pero sa aking gender, sure ako.”

Samantala, single pa rin hanggang ngayon si Agot. Hindi pa ulit siya pumapasok sa isang relasyon after nilang maghiwalay ng mister niyang si Maru Sandejas noong 2011.

Sa tanong na kung papipiliin siya, ang makipagbalikan sa dating asawa o humanap ng bagong mamahalin, ang sagot ni Agot, ”It’s 2018, gusto ko bago naman lahat.

“Leave the past behind. Kailangan move forward.

“And siguro, that’s my way of moving forward. I’d like something new or maybe someone new.”

fb_img_1516622874832

Showing na sa mga sinehan sa January 31 ang “Changing Partners.”

Leave a comment