
Ahwel Paz to welcome September with medical mission for the press
Sa tuwing sumasapit ang kaniyang kaarawan ay hindi nakakalimutan ng pamosong radio anchor na si Ahwel Paz ang kaniyang malasakit sa miyembro ng media na katulad namin. Sa katunayan, pampitong taon na this year ang gawain niyang ito na tunay namang napakalaki ng naitutulong nito.
Dahil sa naging matagumpay ito, ang ika-pitong iLoveMyFamily M4 (Medical Mission for the Members of the Media) ay mas lalong pinalawak. Bukod kasi sa medical assistance at services ay may kasama pang personal accident pa worth Php 50,000 mula sa AXA Life. Bongga talaga si Papa Ahwel at tunay na may magandang kalooban at busilak na puso sa pagtulong.
Nagpapasalamat pala siya sa mga naging katuwang niya sa medical mission niyang ito gaya ng The Executive Office, Administration and Medical Staff of De Los Santos Medical Center sa pangunguna ng Presidente at CEO na si Raul C. Pagdanganan ganundin kay Dr. Nilo De Los Santos ang Vice President for Medical Affairs and Chief Medical Officer.
Kabilang din sa kaniyang pinasasalamatan sina Dr. Jessica Dee and IDEAL Vision,
AXA Life Insurance at Fernando’s Bakeshop.
Sa Sept. 1 na ito magaganap sa De Los Santos Medical Center (Out Patient Dept., Lower Ground Floor) sa #201 E. Rodriguez Sr. Blvd., Quezon City mula 6:00 AM hanggang alas-dose ng tanghali.
Narito pala ang kabuuang serbisyo na ipagkakaloob ng iloveMyFamily Medical Mission ni Papa Ahwel:
1. Comprehensive annual physical examination for:
Complete Blood Count (CBC)
Urinalysis
Glucose (FBS)
Uric Acid
Lipid Profile (Chole/Trigly/HDL/LDL/VLDL)
Chest Xray
ECG
2. Medical consultancy on ENT, Cardiology, Endocrinology, OB Gynecology and Urology
3. Free refraction and avail of reading glasses for the first 50 members at site courtesy of Ideal Vision.