
Ai Ai Delas Alas’ ‘Ai Am Who Ai Am Concert’ a success
by PSR News Bureau
[metaslider id=11142]
Pinatunayan ni Ai Ai Delas Alas na siya pa rin ang undisputed ‘Comedy Queen’ noong nakaraang Sabado, May 16, dahil successful ang kanyang Thanksgiving Concert: ‘Ai Am Who Ai Am’ na ginanap sa Skydome, SM North Edsa. Wala pa ring kakupas-kupas ang komedyana sa kanyang galing sa pagpe-perform onstage. Ang naturang concert ay isang handog pasasalamat ni Ai Ai sa kanyang 25th taon sa local showbiz industry. As early as February, may niluluto nang concert ang kampo ni Ms. Ai Ai para sa kanya. Hindi nga lamang ito nag-materialize dahil sa ilang kadahilanan. Kaya’t nakapangako si Ai Ai sa kanyang mga tagahanga na magpo-produce ito ng sariling concert bilang pasasalamat niya sa kanyang mga loyal na tagasubaybay.
Bagamat umabot ng mahigit isang oras ang pinaghintay ng fans bago magsimula ang naturang concert at inabot man ito ng mahigit kumulang 3 oras, masasabing walang naging boring o dull moment ang concert na ito ni Ai Ai. Makikita mo sa dami ng dumagsa sa concert ang kanilang mga ngiti, tuwa, halakhak at obvious na nag-enjoy ang lahat ng manonood. Lahat ng ito ay dahil sa ibinigay ni Ai Ai ang lahat ng kanyang makakaya para sa kanyang mga tagasubaybay. Sulit ang effort ng lahat nang naghintay at nag-abang sa nasabing palabas.
Sa panimula ng show ay nagkaroon ng dalawang front acts si Ai Ai sa katauhan nina Azrah Gafoor at Ken Summer. Inawit ni Azrah ang kanta ni Juris na ‘Di Lang Ikaw’ at sinundan niya ito ng isa sa kanyang mga orihinal na awitin. Si Ken Psalmer naman ay umawit ng ‘So Sick’ ni Neyo. Ayon kay Azrah nang makausap siya ng Philippine Showbiz Republic (PSR), “I’m honored na naisama ako ni Ai Ai sa kanyang mga guest performers. Kailan ko lang siya nakilala pero pinagkatiwalaan niya agad ako na makasama sa concert niya.” Si Azrah ay isang recording artist mula sa Polyeast Records.
Sa umpisa pa lang ng concert ni Ai Ai ay may pasabog na kaagad dahil ang kanyang panimulang number ay ang awiting ‘Bang Bang’ kung saan nakasuot siya ng isang black sexy tangga. Rumampa ng todo si Ai Ai suot ang tangga at binagayan ang kanyang ikalawang awitin na may pamagat na ‘I’m Feeling Sexy Tonight.’
Pinalakpakan ng malakas at nagustuhan ng audience ang Whitney Houston medley ni Ai Ai kung saan inawit niya ang ilan sa pinasikat na awitin ng yumaong diva gaya ng “I Will Always Love You (mula sa pelikulang “The Bodyguard’), “Saving All My Love,” “Where Do Broken Hearts Go,” at “Didn’t We Almost Had It All.” Hindi man masasabing ‘diva’ si Ai Ai, pero kinaya nitong itawid nang maayos kahit na ang pinakamatataas na tono ng mga awitin. Sabi nga ng 12-years old kong pamangkin, “Hindi lang pala sa pagpapatawa mahusay si Ai Ai. Kaya rin pala niyang maging isang singer.” Aminado itong nagulat siya sa kayang gawin ni Ai Ai at naging instant fan pa niya ito.
Ang Kapuso hunk na si Aljur Abrenica na isa sa mga special guests ni Ai Ai noong gabing iyon ay umawit ng ‘Open Arms,’ nagkaroon din sila ng duet ni Ai Ai kung saan inawit nila ang kasalukuyang ‘national theme song’ at most requested song ni Ed Sheeran na ‘Thinking Out Loud.’
As if hindi pa enough ang kaguwapuhan ni Aljur, nang lumabas ang isa pang Kapuso lead male star na si Alden Richards, nagtilian na naman ang audience. He also had a duet with Ai Ai na nakasuot ng isang seksing see-through studded violet gown na kitang-kita ang hubog ng kanyang katawan at ang nagmumura nitong cleavage. Nag-duet sina Alden at Ai Ai sa awiting “Bakit Ngayon Ka Lang?,” pagkatapos naman nun ay kumanta pa si Alden ng “All Of Me.”
Matapos kiligin ang audience sa magkasunod na naguguwapuhang Kapuso hunks. Sumunod na umakyat sa stage ang mga magagaling na stand-up comedians ng Zirkoh comedy bar na sina Rommel Chika at Becky Belo. Sa pagkakataong ito, napaka-outrageous ng kasuotan ni Ai Ai na mala-Katy Perry naman ang peg dahil her gown was made up of sandamakmak na Hello Kitty stuffed toys. In fact, yung hawak na malaking Hello Kitty stuffed toy nga ni Ai Ai ay kanyang ipinamigay sa isang lucky audience sa crowd. Hagalpakan ang audience sa katatawa dahil sa mga witty sketches at riot talaga ang kombinasyon ni Ai Ai kina Becky Belo at Rommel Chika.
Ang nagbabalik na ‘front act queen’ at diva na si Dessa ang sumunod na sumalang onstage. Kumanta ito ng awiting ‘Halo’ at nag-showdown sila ng Adele medley ni Ai Ai tulad ng ‘Someone Like You.’ Nakakabilib na kinayang tapatan ni Ai Ai ang vocal range ni Dessa. Wala kang itulak kabigin sa mga kinanta ng dalawa.
Sumunod naman na nag-perform kasama ni Ai Ai on stage ay ang kanyang mga co-stars sa kanyang bagong teleserye sa GMA 7 na ‘Let The Love Begin’ na sina Ruru Madrid, Gabbi Garcia at ang kanyang ‘cupcake’ sa nasabing serye na si Gardo Verzosa. Hiyawan ang audience sa pagkakita pa lang sa loveteams ng nasabing palabas. Inawit nila ang theme song na ‘Let The Love Begin.’ Mainit ang naging pagtanggap ng mga manonood sa tambalan nina Gabbi at Ruru, pati na yung Ai Ai-Gardo.
Ang next part naman ay yung paglabas ng dalawa sa maituturing ni Ai Ai na tunay na best friends niya sa industriya na sina Arnel Ignacio at Allan K. Inawit nilang tatlong magkakaibigan ang ‘Awitin Mo, Isasayaw Ko.’ Naghandog din ng kanyang solo performance si Allan K.
Paglabas muli ni Ai Ai sa stage, she has changed into a fairy like costume na ala Elsa ng ‘Frozen’ naman ang peg. Isa na namang pasabog yun dahil kinarir niya ang nasabing costume with matching icicles pa. She did a dubmash and then sang songs from Disney’s ‘Frozen.’
After that, Ai Ai has turned emotional. Ayon sa kanya’y kung mayroong isang bagay na masasabi niyang maipagmamalaki niya, ito ay ang lahat ng pagsubok sa buhay ay hindi daw niya tinakbuhan. Nagpasalamat din si Ai Ai sa dahil sa kabila ng kanyang mga naging ‘kagagahan,’ napatunayan niyang marami pa rin ang nagmamahal sa kanya. Ang mga batikos daw sa kanya ay nagsisilbing inspirasyon niya. Iwan man daw siya ng lahat ng lalaki niya, hinding-hindi siya iiwanan ng anak niyang si Sancho. Proud siya sa panganay niyang ito. Nagyakap ang mag-ina sa entablado na tiyak na ikina-touch ng mga manonood. Nagbiro pa nga ito na may lipstick ang ina sa ngipin. Matapos nun ay nagpakitang gilas si Sancho sa dance floor with Uptown Funk kasama ang G Force. In fairness, magaling din humataw at gumiling ng panganay ni Ai Ai. Mismong si Ai Ai, nag-post sa kanyang Instagram that night tungkol sa performance ni Sancho, Sabi nito, “Ito ang nakawala ng pagod ko sa show, napakagaling ng anak ko yahoooooo!!! I am so proud of you Sancho Vito Delas Alas. I love you Sancho Vito baby boy!!! Tira pa!!!”
Sumunod na inawit ni Ai Ai ang awiting ‘Pagsubok’ at ‘Liwanag Sa Dilim,’ ‘Nandito Lang Ako.’ Bilang pagtatapos naman ay inawit nito ang ‘I Am What I Am’ at ‘I’m So Excited.’
Indeed, Ai Ai had a very successful concert comeback at the Skydome last Saturday night. Hanep ang show, talagang ‘world class’ at par with international concert. Kinabog ni Ai Ai sina Lady Gaga at Katy Perry kung ang bonggang-bonggang costumes lang ang pag-uusapan. Pasabog talaga to the nth level ang kanyang mga naging costumes. Alam mong pinag-isipan, binusisi at pinaghandaan talaga ito ng mabuti. Kaya naman every spot number ni Ai Ai ay sadyang kaabang-abang talaga dahil sa bawat costume na kanyang isinususot on stage. Panalo rin ang mga aspetong teknikal gaya ng ilaw at tunog, video wall, confetti at fog machines. Sa paglalim ng gabi’y hindi rin mababanaag kay Ms. Ai Ai ang pagod dahil sa taas ng energy na ipinakita nito. Isa talagang tunay na reyna ng entablado si Ai Ai. Sa pagtatapos ng concert ay dumagundong ang palakpakan mula sa audience at literal na umulan ng silver confetti ang Skydome.
Isa lang ang masasabi namin sa Philippine Showbiz Republic (PSR), BRAVO! Congratulations kay Ms. Ai Ai at sa buong production staff, guest artists, kay Direk GB Sampedro, sa Musical Director nito na si Homer Flores. Sancho is one proud son of the Kapuso star, sabi nito sa kanyang Instagram account: “Congrats ma! Another successful concert! I love you!”
Para sa mga hindi nakapanood ng kanyang Ai Ai Delas Alas ‘Ai Am Who Ai Am’ Thanksgiving Concert, may special televise ang naturang concert na maipapalabas on May 31 sa GMA 7.