
Ai Ai Delas Alas announces Richard Yap’s exclusion on her Valentine concert
by Rommel Placente
Ayon kay Ai Ai delas Alas sa interview niya sa Mornings@ANC ay out na si Richard Yap bilang special guest sana niya sa Valentine concert niya na gaganapin sa February 12 sa SM Skydome.
“Gusto ko lang i-correct [na] hindi na po si Mr. Richard Yap ang guest ko. Ang guest ko po ay si Aljur Abrenica at JC de Vera at a very special guest,” sabi ni Ai Ai.
Ayon pa kay Ai Ai ang pagbabago ng guest niya ay dahil daw sa “technical issues” pero ayaw niya nang mag-elaborate pa tungkol dito. Bahala na raw ang producers ng concert niya ang magbigay ng announcement.
“Bahala ‘yung mga producers, sila na mag-explain. Ako magpe-perform lang po ako. Nandoon naman po ako,”
“Ai Heart Papa’ pa din ang title ng concert ko, kaya lang iba na ‘yung papa. Dumami na ang papas, naging tatlo,” ang natatawa pang sabi ng Concert-Comedy Queen.
Samantala, bilang bahagi ng pagdiriwang para sa kanyang ika-25th anniversary in showbiz ay magkakaroon si Ai Ai ng major concert sa November.
“Grabe ang dami kong pinagdaanan, career man o personal, bago ko narating ang 25 years kaya super, super nagpapasalamat ako na lahat ito ay napagdaanan ko with flying colors naman at hanggang ngayon ay nandito pa din ako,” pagtatapos ni Ai Ai.
Follow me…
Rommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente