Ai Ai Delas Alas debunks Star Cinema’s claim in the MMFF box-office results
Matapos ipahayag ng Star Cinema na nangunguna na ang pelikula nilang Beauty and the Bestie sa MMFF at umabot na raw ito sa 400 milyong kita, napabalitang diumano’y pumalag ang Comedy Queen na si Ai Ai Delas Alas. Sinabi ni Ai Ai na: “In our hearts, sa puso ng AlDub Nation, sa puso ng sambayanang Pilipino No.1 kami. Kasi lahat ng ginagawa namin, walang daya.”
Sinabi ito ni Ai Ai sa press conference para sa screening ng kanilang pelikula sa California at Texas na ginanap kamakailan lang. Dagdag pa ni Ai Ai, “Ayaw ni Lord ng nagdadaya. Karma is bitch. Kahit yung No.3, puwede din sabihin na No.1 din sila e. Kahit ano pa ang sabihin nila, ilalaban ko ng patayan, itataga ko sa bato, kami po ang number 1.”
Nag-post kasi ang Star Cinema AdProm Manager na si Mico del Rosario kung saan inihayag nito na nasungkit na ng pelikulang Beauty and The Bestie ang unang puwesto at umabot na nga ito sa P400 million.
Magkaibigan sina Ai Ai at Vice Ganda na parehong bida sa dalawang nabanggit na pelikula, pero mukhang lumalabas na labanan ito ng dalawang mag-‘besties’ sa takilya.

