May 22, 2025
Ai Ai Delas Alas on Jiro Manio: “From this day on, I will take on the role of his mom. I will provide him all the support that he needs.”
Home Page Column Latest Articles

Ai Ai Delas Alas on Jiro Manio: “From this day on, I will take on the role of his mom. I will provide him all the support that he needs.”

Jul 6, 2015

Rommel_Placente

By Rommel Placente

JIRO-AI-FINAL

Nakita at nakausap na ni Ai Ai delas Alas si Jiro Manio. Pinuntahan niya ito sa bahay ng kaibigan ng dating child actor sa Mandaluyong, kung saan dito muna ito pansamantalang naninirahan.

Kaya naman willing si Ai Ai na tulungan si Jiro sa pinagdaraanan nito ngayon dahil nakasama niya ito sa movie franchise ng box-office hit na “Ang Tanging Ina,” kung saan gumanap ang huli bilang si Shammy, ang pang-siyam sa 12 anak ni Ai Ai sa nasabing pelikula.

Ayon kay Ai Ai, sa panayam sa kanya ng “Kapuso Mo Jessica” na ipinalabas noong Linggo, July 5, ay okay naman na daw ang dating child actor.

“Okay na siya and yun lang ang puwede kong sabihin kasi pinagkakatiwalaan niya ako, e. Hindi ko puwedeng sabihin yung mga napag-usapan namin. Okay naman siya, huwag ho kayong mag-alala, okay siya,” sabi ni Ai Ai sa nasabing panayam.

Naiyak si Ai Ai sa pagkikita at pag-uusap nila ni Jiro.

“Naiiyak lang ako kasi, yun, sinabi ko sa kanya na anak ko siya, na hindi ko siya puwedeng pabayaan.”

Nang muling dinalaw ng Concert-Comedy Queen si Jiro ay may dala na siyang pagkain para rito. Aniya, siya muna ang tatayong ina para kay Jiro.

“Okay naman siya and, yun, nasarapan naman siya doon sa mga foods na dinala ko. From this day on, ako na muna yung tatayong mommy niya,’ paliwanag pa ng Philippine Comedy Queen.

“Lahat ng support and all the best for him, doctors, psychiatrist, wellness, lahat yun for him, I’ll try to provide para naman bumalik siya sa dati. Masaya na ako kasi alam ko na unti-unti, e, napapabago ko siya. I think, yun naman ang unang kailangan, e. Maramdaman niya na may totoong nagmamahal sa kanya, na all-out support, na tutulungan siya nang walang kapalit.”

Leave a comment

Leave a Reply