Why Ai Ai Delas Alas has a lot of reasons to smile about
by PSR News Bureau
Marami ang nagsasabi na kung ano ang iyong itinanim ay siya rin ang iyong aanihin. Dahil pawang kabutihan ang itinanim ng Comedy Queen na si Ai Ai Delas Alas, kung kaya’t masasabing inuulan din ng blessings ang magaling na komedyana. Kasabay ng kanyang kaarawan ay nanalo siya at itinanghal bilang Best Dance Album of the Year ang album niyang ADA: The EDM Diva mula sa katatapos lang na PMPC Star Awards for Music na ginanap sa KIA Theater ng Araneta Center. Isang magandang regalo para kay Ai Ai ang kanyang karangalang natanggap. Deserving naman talaga si Ai Ai sa nasabing award. Kinarir naman niya ng bonggang-bongga ang EDM music kung saan naipamalas niya ang kanyang versatility bilang isang artist.
Sayang nga lamang at hindi nakarating ang Comedy Queen sa nasabing gabo ng parangal. Naging busy rin kasi si Ai Ai sa mga outreach programs na taong-taon niyang ginagawa tuwing sasapit ang kanyang kaarawan. Magkaganun man, dumating naman ang kanyang anak na si Sofia upang personal nitong tanggapin ang award ng kanyang ina.
Masaya, payapa at ganadong magtrabaho si Ai Ai. Bagamat inamin nito na minsan na ring dumating sa kanyang buhay ang mga sandali na tila ba gusto na niyang tumigil sa showbiz, laking pasasalamat niya sa Diyos na kanyang naging gabay. Puro good vibes na lang ang gusto ni Ai Ai sa kanyang buhay. Sa dami ng kanyang blessings sa bawat araw na tinatanggap, wala na umano siyang karapatan upang magreklamo. After all, hindi naman lahat ng artista ay nagagawang tumagal sa mundo ng showbiz sa mahabang panahon na tulad niya. Hangad ni Ai Ai na mas marami pang proyekto ang dumating sa kanya upang sa ganoon ay mas marami pa siyang taong kanyang matutulungan.