June 6, 2025
Ai Ai Delas Alas stars in ‘Let The Love Begin’ and will be staging ‘Ai Ai Delas Alas: Ai Am Who Ai Am Thanksgiving Concert’
Latest Articles

Ai Ai Delas Alas stars in ‘Let The Love Begin’ and will be staging ‘Ai Ai Delas Alas: Ai Am Who Ai Am Thanksgiving Concert’

May 4, 2015

vance @madrid
by Vance Madrid

Marami sa fans ng Philippine Comedy Queen na si Ai Ai Delas Alas ang na-disappoint nang hindi natuloy ang supposedly concert sana nito early this year. Nagkaroon kasi ng mga aberya at hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng producer at ng mga talents kaya’t hindi na lang ito itinuloy ni Ms. Ai Ai. Isa ang Philippine Showbiz Republic (PSR) sa mga nalungkot na hindi ito natuloy. Ngunit noon pa man naipangako naman mismo ni Ms. Ai Ai sa kanyang fans na magkakaroon siya ng concert na siya mismo ang magpo-produce. Bilang tugon sa kahilingan ng fans, sa darating ng May 16, gaganapin ang ‘Ai Ai Delas Alas: Ai Am Who Ai Am’ Thanksgiving Concert’ ng nag-iisang  Philippine comedy queen sa Skydome, SM North Edsa ng alas-otso ng gabi. Maliban sa nasabing concert para sa kanyang mga tagahanga, may isa pang mabuting balita si Ms. Ai Ai para sa kanyang fans, ito ay ang pagbubukas ng seryeng ‘Let The Love Begin,’ ang kanyang kauna-unahang proyekto sa kanyang pagbabalik sa Kapuso network. Magsisimulang mapanood ang nasabing serye sa Lunes, May 4, pagkatapos ng Pari Ko’y sa GMA Telebabad. Ayon na rin mismo kay Ms. Ai Ai, GMA 7 ang kanyang tunay na tahanan. Dito talaga siya nagsimula ng kanyang karera. Siyam na taon daw siyang namalagi sa Kapuso network bago siya lumipat sa kabilang estasyon. Ngayon nga ay walang pagsidlan ang kanyang kaligayahan na siya’y muling ‘bumalik’ sa kanyang ‘tahanan.’

11189760_724283847692056_1926647119_n

Sa una niyang serye na “Let The Love Begin’ mapapanood si Ms Ai Ai sa papel ng isang radio disc jockey bilang si DJ Jeni a.k.a. Bebe Yonce. Makakasama ni Ai Ai ang pinakabagong love team ng Kapuso na sina Gabbi Garcia at Ruru Madrid. Kabilang din sa stellar cast ng nasabing serye sina Gladys Reyes, Donita Rose, Gardo Verzosa, Mark Anthony Fernandez, Neil Ryan Sese, Ms. Gina Pareno, Noel Trinidad, Rita Daniela, Abel Estanislao at AR Angel Aviles. Ito rin ang magsisilbing ‘baptism of fire’ bilang artista ng anak ni Ms. Ai Ai na si Sancho Delas Alas dahil ito ang kanyang unang proyekto bilang artista.

Maraming dapat abangan ang fans ng comedy queen dito sa seryeng ‘Let The Love Begin’ dahil hindi lamang sila tatawa rito, paluluhain rin sila at paiibigin ng magagandang kuwento ng buhay nina Jeni (Ai Ai Delas Alas) at Tony (Gardo Verzosa) at ang kanilang mga anak na sina Erick (Ruru Madrid) at Pia (Gabbi Garcia).

Ang ‘Let The Love Begin’ ay sa ilalim ng direksiyon ni Gina Alajar at mula naman sa panulat ni Agnes Gagelonia kasama ang pinagsamang malikhaing pagdidirek nina Roy Iglesias at RJ Nuevas. Ang programang ito ay isang orihinal na proyekto mula sa GMA Drama group sa ilalim ni Ms. Lilybeth Rasonable, Senior Vice President for Entertainment TV; Vice President for Drama Redgie Acuña-Magno; Assistant Vice President for Drama Cheryl Ching-Sy; Program Manager Nini Matilac at Executive Producer Lani Feliciano. Huwag palalampasin ang ‘Let The Love Begin’ simula May 4, Lunes, pagkatapos ng ‘Pari Ko’y,’ sa GMA Telebabad block.

11195631_1599424076936924_1788010491_n

Para sa karagdagang impormasyon kung paano makakuha ng libreng tickets sa ‘Ai Ai Delas Alas: Ai Am Who Ai Am Thanksgiving Concert,’ maaring i-like ang opisyal na Facebook fan page ni Ms. Ai Ai sa https://www.facebook.com/AiaiOfficial.

Leave a comment

Leave a Reply