May 23, 2025
Ai Ai Delas Alas Thanksgiving Concert on May 16 at the Skydome
Latest Articles Uncategorized

Ai Ai Delas Alas Thanksgiving Concert on May 16 at the Skydome

May 14, 2015

by PSR News Bureau

AI AI CONCERT POSTER Matinding preparasyon ang ginagawa ng Comedy Queen at ‘Let The Love Begin’ lead star na si Ai Ai Delas Alas para sa kanyang concert na may pamagat na ‘Ai Am Who Ai Am’ A Thanksgiving Concert sa darating na Sabado, May 16 na gaganapin sa Skydome, SM North Edsa. Siguradong marami na namang hinahandang pasabog na sorpresa si Ai Ai para sa kanyang mga tagasubaybay. Matagal na rin naman ang lumipas magmula nang huli nating napanood si Ai Ai sa isang concert. Ayon na rin kay Ms. Ai Ai nang makapanayam siya ng Philippine Showbiz Republic (PSR), taong 2010 pa daw nang huli siyang makapag-concert. Kaya naman siguradong miss na miss na nito ang makapag-perform ng live on stage. Damang-dama na nga namin ang excitement ni Ai Ai nang bumisita kami habang nasa rehearsal ito.

Noon pa man, kilala na si Ai Ai bilang isang magaling na performer. Kinakarir talaga ni Ai Ai ang bawa’t concert niya mula sa konsepto nito, pagpili ng mga kanta hanggang sa mga bonggang-bonggang costumes at set na makikita sa kanyang mga concerts. Sa katunayan, noong nakausap siya ng Philippine Showbiz Republic (PSR), nagbiro ito sa isa sa kanyang special guests, ‘Kung maganda ang boses mo, gagandahan ko naman ang mga damit na isusuot ko!’ Hindi rin matatawaran ang galing ni Ai Ai bilang isang performer kahit na mas kilala siya bilang isang komedyana. Marami din ang magiging special guests ni Ai Ai sa ‘Ai Am Who Ai Am’ A Thanksgiving concert nito kabilang na ang pambatong loveteam ng Kapuso network na sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia na co-stars ni Ai Ai sa ‘Let The Love Begin’, ang anak niyang si Sancho Delas Alas, ilang mga matagal ng kaibigan ni Ai Ai sa industriya, ilang Kapuso hunks na dapat ninyong pakakaabangan, at maraming-marami pang ibang sorpresang guests na tiyak na ikatutuwa ng mga manonood ng nasabing concert. It promises to be an entertaining night at bilang isang total performer na ibinibigay ang kanyang best, sinisiguro ni Ai Ai na it will all be worth your time.

Bagamat inamin ni Ai Ai sa naging panayam sa kanya ni Ms. Jessica Soho na ipinalabas sa ‘Kapuso Mo, Jessica Soho’ na nahihirapan itong mag-memorize ng mga awitin (pero madali daw siyang makapag-memorize ng script), masusi nitong inaaral ang lahat ng kanyang kantang aawitin sa kanyang concert. Ayon pa kay Ai Ai, inaabot siya ng mga 2 buwan bago niya ma-perfect ang mga lyrics ng awitin.

Sa nalalapit niyang concert sa Sabado, May 16, makikipag-showdown si Ai Ai at hahataw ito sa sayawan. Siyempre pa, hindi mawawala ang mga pagpapatawa nito sa mga adlibs at spiels na likas na sa kanya. But expect her and her surprise special guests to sing birit songs, ballads, upbeat at ilang piling OPM songs. Lahat talaga ay gagawin ni Ai Ai para mapasaya ang mga manonood.

Kasabay ng kanyang pagbabalik sa GMA 7, naging sunod-sunod ang mga proyekto ni Ms. Ai Ai kaya naman natutuwa ang marami lalo’t higit ang kanyang loyal followers and fans dahil matagal na silang sabik na makita at mapanood ang pinakamamahal nating komedyana sa iba’t-ibang genre. Inaaliw tayo ni Ai Ai tuwing gabi as DJ Jeni sa ‘Let The Love Begin’ katambal si Gardo Verzosa. Patuloy din ang kanyang pagi-guest sa mga Kapuso shows gaya ng ‘Eat Bulaga’, ‘Celebrity Bluff,’ ‘Tonight with Arnold Clavio,’ at nitong darating na Sabado, May 16, may back-to-back na espesyal na sorpresa pa si Ai Ai sa kanyang fans dahil kasabay ng kanyang concert, mapapanood naman natin ang comedy queen sa isang natatanging pagganap sa ‘Magpakailanman’ sa episode na pinamagatang ‘Anak sa Labas’ kung saan makakasama niya si Jay Manalo. Dito kakaibang Ai Ai Delas Alas ang kanilang mapapanood. Hindi niya tayo patatawanin sa pagkakataong ito, ipapamalas ni Ai Ai dito ang kanyang galing sa pag-arte dahil paluluhain tayo ng espesyal na pagganap niyang ito. Kaya’t dapat itong abangan dahil bibihira lang ang ganitong pagkakataon.

[metaslider id=10854]

Going back to her ‘Ai Am Who Ai Am’ A Thanksgiving concert, libre ito sa kanyang mga fans. Isa itong handog pasasalamat ni Ai Ai sa walang sawang pagsuporta at pagtangkilik sa kanya. The said concert will be directed by GB Sampedro. Ang pangako nga ni Ai Ai, ang unang 30 tao na pupunta na walk-in sa kanyang concert sa Sabado, May 16 ay may sigurado nang tickets! 8PM magsisimula ang nasabing concert kaya’t kung gusto ninyong makasiguro na magkakaroon ng ticket, go na ng maaga at sumugod na sa Skydome sa May 16!

Huwag kalilimutan, pumunta ng maaga sa May 16, Sabado sa Skydome para sa ‘Ai Am Who Ai Am’ A Thanksgiving Concert ni Ms. Ai Ai Delas Alas. First 30 walk-ins, get guaranteed free tickets! See you there!

Para sa karagdagang detalye, maaaring i-like ang official Facebook page ni Ms. Ai Ai https://www.facebook.com/AiaiOfficial. Follower Ai Ai Delas Alas on Twitter via @Aiaiyistaswww.twitter.com/Aiaiyistas or on Instagram at @msaiaidelasalas.

From Philippine Showbiz Republic, break a leg and good luck Ms. Ai Ai!

Leave a comment

Leave a Reply