
Ai Ai is all set to start working for GMA 7
Puspusan na ang paghahanda para sa paglipat ng Comedy Queen na si Ai Ai Delas Alas sa GMA 7. Naayos na raw ang negosasyon. Balitang pipirma na siya this week ng kontrata. Kung hindi magkakaproblema ay naka-set daw ito nitong Huwebes. Nakalatag na raw ang mga proyekto niya sa Kapuso network.
Napansin ng netizens na etsapuwera na si Ai Ai delas Alas sa summer ID ng Kapamilya network na Shine, Pilipinas. Senyales daw ito na pumayag at handa na ang Dos sa paglipat niya sa Siete?
Wala pa man lipatan na nangyayari ay kumalat na ang tsikang nagde-demand diumano si Ai Ai sa writers ng bagong serye ng siete na “Let The Love Begin”. Pinabago diumano ni Ai Ai ang script dahil hindi daw niya ito nagustuhan. Nasasaktan si Ai Ai sa tsismis na ito dahil wala pa ngang kumpirmasyon kung magiging bahagi na siya ng show o magiging ganap na siyang Kapuso.
Wala namang image si Ai Ai na mahadera at siguradong may makikipag-negotiate para sa kanya pag tumanggap ng ganitong klaseng project.
At kung sakaling mag-demand siya, karapatan niya naman‘yun dahil Ai Ai delas Alas naman siya. Siya pa rin naman ang kinikilalang Comedy Queen.