
On Ai Ai’s issue: Sancho delas Alas remains calm, grateful
SA KABILA ng isyu sa pagitan namin ng kaniyang inang si Ai-Ai delas Alas, ay nananatili ring kalmado si Sancho delas Alas kagaya ko.
Marahil, hindi pa rin niya nakalimutan ang sinulat kong mga papuri sa kaniya dati sa ibang publikasyon kung saan ay sinabi kong magiliw siyang makiharap sa mga tao, magalang at iba pang katangiang mayroon ang isang mabuting anak.
Kaiba siya sa mga artistang kapag nakatikim ng kaunting puna at lait sa reporter ay agad na ginagawang big deal at animo’y nakagawa ka ng malaking kasalanan sa kanila.
Si Sancho ay pasasalamatan ka kapag nabigyan mo sya ng mga magagandang salita at papuri.
Ang nangyari sa amin ng kaniyang ina na ayoko nang pag-usapan pa ay nagpatunay na naman na ang binatang ito ay may mabuting puso.
Sa kasagsagan nga ng isyu ay wala akong narinig at wala akong natanggap na masasakit na salita mula sa kaniya.
Ka-chat ko nga siya habang inaalmusal, tinatanghalian at hinahapunan ang mga masasakit na comment, patutsada at panlalait mula sa mga basher na wala namang alam sa aking pagkatao.
Basta, puro mga magagandang salita ang ibinibigay niya sa akin na ibinabalik ko rin sa kaniya.
Siguro nga bukod sa magandang katangiang namana niya sa kaniyang ina na naisulat ko na rin dati ay may ugali rin ito na nakuha sa kaniyang ama na balita na mabait din ito.
Anyway, kahit hindi pa nabibigyan ng malaking break si Sancho sa kaniyang pag-aartista ay hindi naman siya nawawalan ng mga proyekto.
Katatapos lang niya gawin ang pelikulang ‘Bes and The Beshies’ kung saan ay mayroon siyang importanteng role.
Hindi kami magtataka na balang araw ay makikilala rin siya dahil may ibubuga naman siya sa aktingan.
In fairness, naramdaman namin ang kaniyang presenya sa pelikulang “Area” na pinagbidahan ng kaniyang ina.
********************************************
Blind Item:
NAKAKALOKA ang nasagap naming tsika na pumapatol pala sa bading ang isang young actor na sikat.
Game na game pala siyang sumama sa isang rich na gay para magliwaliw at maglambingan sa ibang bansa.
Bukod sa rich and famous na peg na bakasyon sa ibang bansa ay pinatikim pa siya ng limpak-limpak na salapi na kahit hindi muna mag-taping ay mabubuhay siya.
Balita namin ay dati nang ginagawa ito ng young actor dahil hindi rin niya maiwasan kasi naman ay siya ang nilalapitan ng mga nasa ikatlong lahi dahil sa napakalakas ng kaniyang dating at guwapo talaga siya.
Ang clue: may teleserye siya ngayon at may pelikula. Sikat ang young actor na ito na tinitilian ng fans kahit saan siya magpunta. Magaling din syang umarte on and off screen.