May 22, 2025
When Aiko meets Ara
Latest Articles

When Aiko meets Ara

Sep 25, 2017

Sa lamay ng father ng aming kaibigang entertainment columnist and anchor na si Rommel Placente, nasaksihan namin ang pagtatagpo ng landas nina Aiko Melendez at Ara Mina.

Yes, natapos din ang matagal na panahong hindi pagkikibuan ng dalawang aktres dahil lang sa buhay pag-ibig. Nagkataon kasi na iisang lalaki ang pareho nilang minahal.

Hindi lang isang beses kundi nasundan pa ng pangalawang lalaki na minahal din nila pareho.

Sa isang mahabang upuan na parang sinadya para kay Aiko at Ara, nagkasama at nagkatabi ang dalawa.

Nabasag ang katahimikan nang mag besohan ang dalawang magandang aktres at nasundan pa ng kumustuhan, halakhakan at tsikahan. Makikita sa dalawa ang pagiging sincere at walang showbiz ang kanilang pag-uusap.

Kasabay na rin ang kanilang piktyuran na parang walang nangyari. At kinalimutan ang matagal nang hindi pagkikibuan. Tila isang biyaya ang araw na ‘yun para sa dalawa at ang tadhana ang nagpalapit sa kanila.

Magkasabay pa silang umuwi para ipakita kay Aiko ang anak ni Ara kay Mayor  Patrick Meneses. Nagpakuha pa ng picture si Aiko karga ang baby ni Ara.

At balita pa namin ay lumabas ang dalawa na nagkulang pa ang tsikahan. Kasama pa si Sunshine Cruz dahil tinawagan ito ni Ara habang katsika si Aiko.

“So good finally talk and chit chat with you Hazel. It’s been ages!!! We both can freely take selfies together without awkward feeling. Lets hang out soon! Katawa dami naming exchange of messages.”

Yan ang ipinost ni Aiko.

Sabi nga past is past. At maliit lang ang mundo ng showbiz.

I’m sure parehong maligaya ang dalawa. At masayang masaya rin kami at sa wakas ay maayos na si Aiko at Ara.

Leave a comment