
Aiko Melendez chooses politician boyfriend over serye
Natutuwa si Aiko Melendez na sa kabila ng akusasyon sa kanyang boyfriend na si Subic, Zambales Mayor Jay Khonghun na umano’y pinoprotektuhan nito ang illegal drugs sa kanilang lalawigan, ay mainit pa rin ang pagtangap dito ng mga tao kapag nagpupunta sila sa iba’t-ibang lugar sa Zambales para mangampaniya.
Tumatakbo kasi si Mayor Jay bilang Bise Gobernador.
“Actually iniisip nga namin kung nakaapekto ba? Parang mas gusto naming ‘yung reception ng mga tao ngayon, kasi ‘yung pagyakap nila kay Jay, ‘yung pagpapasalamat nila. Ngayon ko lang nalaman the past few weeks, na ganu’n pala siya kamahal ng mga tao sa Zambales, ang dami pala niyang nagawa,” sabi ni Aiko.
Patuloy niya, “So, that’s something that I should be proud of, di ba? That’s something na parang..ano ko ‘yun, eh, affirmation ko, na parang..pumupusta naman pala ako sa tamang tao. Kumbaga, kung may ginive-up man ako sa punto ng career ko, worth-it naman pala ‘yung pinupustahan ko. Kasi ang dami pala niyang natulungan.”
Ang tinutukoy ni Aiko na gi-nive-up niya, ay ang bagong serye na gagawin sana niya sa ABS-CBN 2 na “Sandugo.”
Nag-back out kasi siya rito, dahil hindi niya na mabibigyan ng oras ang taping. Busy kasi siya sa pagtulong sa kampaniya ni Mayor Jay. Pero nag-apologize naman daw siya sa pamunuan ng Kapamilya network. At naiintindihan naman daw siya nito.
Ang kalaban ni Mayor Jay ay ang incumbent Vice Governor ng Zambales, na isang babae.
Sa mga campaign nito, ayon kay Aiko, bukod kay Mayor Jay, pati raw siya ay sinisiraan nito.
“Madam, ayokong banggitin ‘yung name ninyo po. Pero with due respect po, sana po, kung meron talaga kayong plataporma at proyekto sa mga tao, dapat sa mga pa-meeting ninyo po, ‘yun ang i-discuss ninyo. ‘Yung kung ano ‘yung magagawa ninyong tulong sa mga taga-Zambales, bilang incumbent po kayo, ‘di ba?
“And pati ako nasasama na, nadadamay na, andiyan ‘yung may skin desease ako. Madam, huwag ninyo naman po akong tanggalan ng trabaho, meron po akong endorsement sa skin. Pekas po ito. Para siguro ang tactic na ‘yun para layuan ako ng mga tao. Kasi tuwing dumarating ako sa Zambales, buong yakap at buong ano…tinatangap nila ako. Madam, sana do not go that low.”