May 23, 2025
Aiko Melendez will enter politics next year
Latest Articles

Aiko Melendez will enter politics next year

Feb 5, 2021

Nakahuntahan namin thru FB messenger ang award winning actress na si Aiko Melendez.

Inusisa namin ang Kapuso actress hinggil sa mga latest news sa kanya.

Nabanggit nang mahusay na aktres na bukod sa mga kapana-panabilk na mga eksena na dapat abangan sa kanilang top rating TV series na Prima Donnas sa GMA-7, pati Youtube channel niya ay kaabang-abang din ang mga line-up ng guest.

Pahayag niya, “Iyong story and twists po ang dapat abangan po kung mahuhuli na ba si Kendra? Ano ang ipaparusa sa kanya kung mahuli siya po, at marami pang iba.”

Si Kendra ang papel ni Aiko sa naturang serye na tinatampukan din nina Wendell Ramos, Katrina Halili, Jillian Ward, Chanda Romero, Benjie Paras, at iba pa.

Hinggil naman sa kanyang pagiging vlogger, nabanggit ng aktres ang mga dapat abangan sa kanyang Youtube channel.

“Marami po akong collab na gagawin and exciting guests na politicians po, both from admin and not admin…

“Ige-guest ko rin po si Sen. Manny Pacquiao and Jinkee and si Mayor Joy Belmonte and Mayor Herbert Bautista, sa magkahiwalay na interview po,” nakangiting esplika niya.

May balitang next year ay posible siyang sumabak ulit sa politika, puwede ba siyang magbigay ng reaksiyon dito?

Lahad ng aktres, “May offer po ako na tumakbo. Most likely yes po, but hindi ko pa po alam ano position po… but I will be back in Quezon city po.”

Ano ang reaction ng kanyang boyfriend na si Zambales Vice Governor Jay Khonghun sa kanyang pagsabak muli sa politika?

“Sa politics, suportado niya po ano man ang decision ko po,” matipid na tugon pa ni Ms. Aiko.

Ang premyadong aktres ay naglingkod bilang councilor ng Quezon City (District 2) sa loob ng nine years.

Inusisa rin namin ang aktres sa comment niya sa kinasasangkutang gusot ngayon ng ex-husband niyang si Jomari Yllana hinggil sa umano’y napapabayaan daw ang responsibilidad niya sa anak nila sa ex-partner nito.

Sa pagkakakila niya kay Jom, ganoon ba siyang klase ng ama?

Tumawa muna si Ms. Aiko bago nag-react, “Hahaahahahaha! Ayaw ko po makialam sa hindi nila pagkakaunawaan po. Kasi respeto ko po kay Andre (anak nila ni Jomari).

“In as much as I want to comment, for now I will have to keep mum about it po. Sana in the end maayos nila, kasi nakakaawa po ang mga bata,” sambit pa niya.

Leave a comment