June 9, 2025
Aiza Seguerra and Liza Dino needs to raise P1. 5 million for the IVF procedure
Home Page Slider Latest Articles

Aiza Seguerra and Liza Dino needs to raise P1. 5 million for the IVF procedure

Jan 5, 2016

by PSR News Bureau

aiza and liza 2  Wala na ngang makakapigil pa sa plano nina Aiza Seguerra at Liza Dino na sumailalim sa isang in vitro fertilization [IVF] procedure na balak nilang gawin sa Amerika. Inamin naman nilang dalawa na dumaan din sila sa matinding pagsubom financially kung kaya’t hindi pa nila naitutuloy ang matagal na nilang pinaplano.

“We have to be in the States for two months dahil ang mangyayari is, sa akin kasi manggagaling yung eggs. So yung eggs ko, kailangan pare-pareho sila ng laki, para when they gather the eggs, pantay-pantay. And then, they will store it, they will freeze it, and by the time, siyempre by then, mayroon na kaming napiling sperm donor,” bulalas ni Aiza.

Kapag nakakita na raw sila ng napili nilang sperm donor, pagsasamahin ang eggs niya at sperm nung guy at pagkatapos ay magpo-form ng embryo at ipapasok daw yun sa ovary ni Liza. Si Liza ang magdadala ng baby nila for nine months hanggang sa mailuwal niya ito. Mabusisi ang paraan ng IVF pero handa naman daw silang dalawa para dito.

Makakapamili naman daw sila ng magiging background nung sperm donor nila. Puwede silang mamili ng race, physical looks at maging ang background nito. Sabi nga ni Aiza, kung siya ang masusunod, gusto rin daw niyang maging artistic ang guy na pagmumulan ng sperm donor. Sabi pa niya: “Parang hindi kasi bagay na magkaroon ako ng mathematician na anak. Hindi ko siya matutulungan.”

Health-wise ay okay naman parehas ang kalagayan nila. Nagpa-checkup na raw silang dalawa. “Okay naman ang eggs ko. My eggs are fine, unused but fine. Liza’s okay also. So aiza and lizaang hinihintay na lang namin is yung matagal kaming mawawala at siyempre kailangan din namin ng diskarte para sa funding at work.”

Kung maging successful daw on their first try, kulang-kulang na $11,000 ang aabutin ng gagastusin nila Aiza. “But if not, basta sana we’ll have to have around 1. 5 million pesos.”

Kung bakit ang eggs niya ang gagamitin at hindi ang kay Liza, sinabi ni Aiza na gusto rin daw kasi niyang mismong sa kanya rin manggaling ang bata. “I want to have my own flesh and blood. And at the same time, suwerte rin dahil Liza can carry the child, so masasabi kong it’s going to be our responsibility, it’s ours talaga.”

Sa ngayon ay malapit nang mapanood si Aiza bilang isa sa mga hurado sa bagong talent search ng TV 5 ang “Born to be a Star,” kung saan makakasama niya sina Pops Fernandez, Rico Blanco at Andrew E. bilang mga hurado at sina Yassi Pressman, Mark Bautista at Ogie Alcasid naman bilang mga hosts.

Leave a comment

Leave a Reply