May 23, 2025
Aiza Seguerra pays tribute to Maestro Ryan Cayabyab in new album
Latest Articles Music

Aiza Seguerra pays tribute to Maestro Ryan Cayabyab in new album

Jun 11, 2015

Ruben Marasigan
By Ruben Marasigan

Maigting ang panawagan ni Aiza Seguerra tungkol sa EMGOLDEX, isang kumpanya na diumano’y nagki-claim na ini-endorse niya. Mariin din ang kanyang pagtanggi na kliyente siya nito.

16f2c2643

Nag-ugat ang usapin sa recent trip niya sa Dubai kung saan nagkaroon siya ng show. Pero kaagad niyang nilinaw niya na wala raw kinalaman ang producer nito sa nasabing isyu.

“Ang producer namin, sobrang astig ‘yun,” aniya. “May nag-sponsor sa amin, they gave us something. And of course, they’re sponsor, I took a picture with them. Di ba? Tapos ‘yung sponsor na iyon, meron silang chatroom siguro ng lahat ng mga agents, ganyan. They shared the picture doon sa chatroom. Tapos kinuha ‘yung picture na iyon at sinabi na I was endorsing na. Biglang kilyente na ako. Na… si Aiza Seguerra kasama na diyan, ba’t di ka pa sumama?”

“Parang… huwag gano’n, di ba? Kumbaga, ‘yung picture na iyon, it was done in good faith. So sana huwag nating gamitin sa hindi tama.”

Nagiging issue ngayon rin ngayon kay Aiza ‘yung sinasabing sobrang nakikialam na raw ang karelasyon niyang si Liza Dino sa kanyang career. Lalo na raw sa panahong ginagawa ang bagong album niyang ‘Araw Gabi: Mga Awit Ni Maestro Ryan Cayabyab’ under Universal Records.

“Actually , ano… kasi I think we are both artists,” depensa ni Aiza nang mag-guest siya sa ‘Aquino & Abunda’ noong Lunes, June 8.

“I’ve never been with anyone na sobrang tutok sa mga ginagawa ko, ang sarap e. Kasi kabalitaktakan ko siya, e.”
Kung tawagin nga raw ni Aiza si Liza ay ‘her most discerning critic.’

“Yes! Hindi siya ‘yung tipong ano… ‘okay ‘yan, maganda ‘yan.’ Hindi. Talagang iniisa-isa niya. Sa totoo lang itong album ko na bagong labas, if it weren’t for her… it won’t be this good.”

“Yung mga naunang nagawang album na tribute kay Maestro Ryan Cayabyab ay ginawa ng various artists. So kung hindi ako nagkakamali, baka ako nga ‘yung unang nagbigay ng tribute na nag-iisa lang sa isang album.”

88735-img_0697-copy

Gaano kahirap ito?

“Naku, grabe ang pressure. Sobra! Talagang alam ni Liza ‘yan. Minsan hindi na ako nakakatulog. Kasi napaka-iconic nung mga songs na likha ni Maestro [Ryan].

“I mean… ang ganda ng kanta. At the same time, alam natin kung paano inareglo. Tatak na tatak sa atin, e. Parang… papano mo babasagin ‘yon to make it your own?”

“Kumbaga kasi, ayoko namang mag-revive ng kanta na parang pinalitan ko lang ‘yung instrument pero gano’n pa rin. Gusto ko magkaroon ng ibang kuwento kahit papano. Or magkaroon ng ibang experience ‘yung mga makikinig, e. So I’m happy na noong pinapakinggan na namin ang album base sa mga sinasabi rin ng mga nakapakinig na, I think naramdaman nila kung ano ‘yung gusto kong iparamdam sa kanila. So I’m really happy.”

Sa isang interview kay Ryan Cayabyab kamakailan, puring-puri nito si Aiza.

Maestro Ryan only had good words for Aiza. “She has wonderfully controlled voice that mesmerizes, a voice that mature, nuance ache and joy that can be felt.”

“Sobrang happy ako. Dahil I was given a chance to just sing and ang gaganda ng mga kanta (ni Ryan). Talagang wasak ako sa mga kanta.
“And because we stripped it down. We stripped down all the areglos, e.

And most of the songs here in the album are just piano. At ‘yung song na ‘Tuwing Umuulan At Kapiling Ka’, siya (Ryan) ang tumugtog niyan.
And sobrang nakakatuwa because we got different pianists for this album. There’s an arrangement by Jay Durias… ‘yung “Kailan,” siya ang gumawa.

May mga naiintriga rin kung ano na ang nangyari sa grupo nila sa ASAP na ‘Sessionistas.’ Hindi na raw kasi sila napapanood nitong mga nakaraang linggo sa nasabing Sunday Musical Variety show ng ABS-CBN.

“Well ito madami kasing nangyari eh. Nanganak si Princess Velasco. Kakapanganak lang niya. And of course, as we all know… si Juris, ilang months na lang magiging mommy na rin. Si Sitti naman ikinasal na.
So yung mga girls (na member) namin sobrang busy na sa family life.

“Well, kami rin naman. Like Richard (Poon) and I. Si Kean (Cipriano) na lang ang nanatiling single. Pero siyempre iba kapag mga babae talaga ang ano… talagang mawawala sila, e. Kumbaga, mas magiging focused sila sa family, e.”

Pero sa kabila ng mga pagbabagong ito, babalik pa siya sa ASAP?

“I’m still in ASAP.”

Pero ‘yung grupo nila na ‘Sessionistas’? Marami kasi ang naghahanap na muli silang mag-perform.

“I think may mga nag-leave na. Si Princess at si Juris din nga.

“Si Sitti also. Siyempre ini-enjoy niya ang pagiging misis.

“So siguro kung anuman… baka kaming tatlo na lang. Ako, si Kean, and Richard.”

Leave a comment

Leave a Reply