May 23, 2025
Akihiro Blanco  doesn’t mind playing supporting role
Latest Articles

Akihiro Blanco doesn’t mind playing supporting role

May 15, 2015

arseni@liao
by Arsenio “Archie” Liao

Akihiro Among the ‘Artista Academy’ graduates ay siya ang kinakitaan ng intensity as an actor ng kanyang acting mentor na si Ms. Boots Anson-Rodrigo (dating Roa) na gumaganap na lola niya sa ‘Baker King,’ ang Pinoy adaptation ng toprating Korean teleserye na mapapanood na sa TV5.

Sa katunayan, nakapagbida na siya sa ‘Mga Alaala ng Tag-ulan,’ isang May-December love story kung saan ‘bininyagan’ siya ni Mocha Uson. Pinuri ang kanyang galing ng ilang mga kritiko sa nasabing obra ni Ato Bautista na ipinalabas sa kauna-unahang Cine Filipino film festival noong 2013.

May isyung nagtampo si Vin Abrenica sa TV5 dahil feeling nito ay na-bypass siya dahil una pang ini-launch si Mark Neumann sa isang title roler considering na siya ang grand champion ng Artista Academy. Sa palagay mo ba bilang kapanabayan nila,  justified si Vin sa kanyang pagtatampo?

“Ayokong isipin na ganoon. Siyempre, iba’t-iba naman ang reaksyon ng tao. Mayroon tayong  mga emosyon. Kung anuman iyong paniniwala ng isang tao, iginagalang ko.  Pero, ayokong manghusga sa kapuwa ko,” paliwanag ni Akihiro.

Ayon pa kay Aki, never siyang naging insecure kay Mark.

“Hindi ko ito ‘shino-showbiz.’ Pero sina Mark at Vin, hindi lang sila kaibigan sa akin. Family sila sa akin. Sobrang solid na iyong foundation ng friendship namin. Sa puntong ito, hindi ko na tinitingnan na nakikipag-compete pa ako sa kanila. Iyong sa amin ni Mark, hindi rin siya kumpetisyon. Sinusuportahan ko ang acting niya at sinusuportahan rin niya ako,” pahayag ni Aki.

Sa ilang mga puna na bano pa ring umarte si Mark dahil bulol ito sa pananagalog, ipinagtanggol ito ni Aki.

“Malaki ang naging improvement ni Mark. Kung dati, hirap siyang mag-Tagalog, ngayon ay mas sanay na siya. I believe hindi naman siya handicap dahil nakaka-arte siyang maige,” aniya. “Kay Mark, mararamdaman mo iyong passion niya sa kanyang trabaho at iyong kagustuhan niyang matuto sa mga taong nakakakatrabaho niya. Iyong pagpupursige niya at dedication sa trabaho, doon mo siya mapupuri,” dugtong niya.

Nag-e-expect ka ba na i-launch ka rin ng TV5 sa isang title roler, considering na may mga nagsasabing you’re a more intense actor than Mark?

“Hindi ko siya ini-expect. Kung darating siya, thankful ako. Basta ako, mahal na mahal ko ang acting. Kung mapansin ako, malaking bonus na iyon,” tugon niya.

Dugtong pa ni Akihiro, hindi big deal sa kanya ang pagiging kontrabida kay Mark kahit nakapagbida na siya sa pelikula at sa mga Wattpad series.

Pagtatapat pa niya, blessing na maituturing niya na makasama ni Mark at maging kontrabida nito.

“Iyong role ko rito sa teleserye, hindi lang siya kontrabida. Iyong karakter ni Michael na ginagampanan ko, marami siyang pinagdaanan, so iyong challenge naroroon. Kumbaga sa range ng emotions na puwedeng ipakita, napakalawak,” pagwawakas ni Aki.

TNG-875x480-sched

Masaya rin si Aki dahil reunited siya kay Inah Estrada dito na naging ka-love team niya sa “Wattpad  Presents: The Nerdy Girl Turns into a Hottie Chick”.

Mula sa direksyon ni Mac Alejandre, ang “Baker King” na magsisimula nang umere sa Mayo 18 (Lunes) ay nagtatampok sa tambalang Shark (Shaira Mae at Mark Neumann) . Bukod kay Aki, kasama rin sa powerhouse cast sina Raymond Bagatsing, Diana Zubiri, Joonee Gamboa, Yul Servo, Jacqui Lou Blanco, Ian de Leon.  Kabituin rin sina  Inah Estrada, Nicole Estrada at Malak So Shdifat.

Leave a comment

Leave a Reply