May 22, 2025
‘Aksyon Lady’ of Philippine broadcasting resigns from ABS-CBN
Featured Latest Articles

‘Aksyon Lady’ of Philippine broadcasting resigns from ABS-CBN

Dec 5, 2016

Nag resign na nga nang tuluyan si Kaye Dacer after 19 years sa isa sa pinakamalaking network sa ating bansa, ang ABS-CBN. Nagpaalam ang ‘Aksyon Lady’ ng DZMM’s “Aks’yon Ngayon” noong Biyernes, December 2 sa kaniyang programa kung saan kasama niya si Julius Babao.

May isang buwan na din noong nagsabi si Kaye sa pamunuan ng DZMM na siya ay magre-resign na dahil sa mga bagay na maaaring maging conflict sa kaniyang pagiging anchor ng naturang istasyon. May mga pahayag siya sa kaniyang pamamaalam na tila may susuportahan siyang isang tao at isang bagay na ayaw niyang maging hadlang sa kaniyang pagiging mamamahayag ng radyo at telebisyon.

Nagpahiwatig din siya na mas pinili niya ang desisyon na umalis ng ABS-CBN kahit masakit sa kaniyang kalooban dahil sa isang oportunidad sa kaniyang buhay ang dumating na minsan lang dadaan at ayaw naman niyang pagsisihan kung hindi niya ito susubukan. Usap-usapan na noon pa man kung si Kaye daw ba ang may ari ng isang broadcasting network na itinayo noong nakaraang taon kung saan mapapakinggan ang mga programang pinagbibidahan ng mga kilala ding mamamahayag sa mga malaking network.Kaye Dacer

Maging ang kaniyang pagiging pagiging silent supporter ay naging usap-usapan din.  Hindi kaya ito ang dahilan ng kaniyang pahayag na me kinalaman sa isang tao (Duterte) at isang bagay (network)? Nakakalungkot man na hindi na natin mapapakinggan si Kaye sa DZMM ay sigurado kaming tatanim sa puso at isip ng mga humahanga, sumusuporta at nagmamahal sa nagiisang ‘Aksyon Lady’ ng broadcasting sa ating bansa ang lahat ng kaniyang mga naging kontribusyon sa mundo ng pamamahayag. Ang matapang at walang takot na nakikipaglaban para sa karapatan ng ibang tao at sa mga inaapi at walang makuhang hustisya na si ‘Aksyon Lady’ ang tumatayong tagapagtanggol at superhero ng mg taong araw-araw na lumalapit sa kanila at ang sinseridad nyang pagtulong sa mga nangangailangan.

Ito na marahil ang mami-miss ng kaniyang mga listener.

Leave a comment