
Alamid’s frontman Gary Ignacio passes away at 49
by PSR News Bureau

Pumanaw na nitong Biyernes, April 17, ang dating lead vocalist ng bandang Alamid na si Gary Ignacio dahil sa komplikasyon sa kanyang karamdaman. Si Ignacio ang nasa likod ng sikat na awiting “Your Love.”
Ayon sa Facebook post ng bandang Alamid sa kanilang opisyal na FB page, pumanaw si Gary sa edad na 49 sa National Kidney Transplant Institute nitong Biyernes ng hapon dahilan sa multiple organ failure.
Huling nakita ng publiko si Ignacio sa pamamagitan ng programang Kapuso Mo, Jessica Soho kung saan binigyan pa ito ng tribute kasama ang mga dating kasama at mga kaibigan nito sa industriya nitong nakaraang Pebrero lang.
Ayon sa kanyang mga kaanak, nakalagak ang kanyang mga labi sa Sto. Rosario Chapel sa Brgy. Baritan Malabon. Naiwan niya ang kanyang asawa na si Maria Buena, mga anak na sina Sean at Ashley.
Maliban sa “Your Love,” pinasikat rin ng bandang Alamid na kinabibilangan ni Gary ay ang awiting “China Eyes.”
Ang Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) ay taos-pusong nakikiramay sa mga naulila ni Gary Ignacio ng bandang Alamid. Malaking kawalan si Gary sa industriya ng musika. Maraming salamat sa kanyang naging kontribusyon sa Original Pilipino Music.