May 24, 2025
Albie Casiño admits controversies with Andi affected his career
Latest Articles

Albie Casiño admits controversies with Andi affected his career

Feb 22, 2017

Aminado si Albie Casiño na nausog o nakaapekto sa career niya ang pagkakadawit niya sa mga kontrobersya noon kay Andi Eigenmann.

For sometime kasi, marami ang naniwala na iresponsable siya dahil ayaw niyang akuin ang pananagutan niya kay Ellie dahil siya ang itinuturong ama nito na nang lumaon ay na-vindicate siya nang mabuking mula kay Maxene Eigenmann, half-sister ni Andi na si Jake Ejercito pala ang biological father ng daughter ng aktres.

“Actually, nakaapekto siya. Kasi, nagpaikut-ikot ako noon for a while sa ibang networks. I lost a lot of work. Maraming naka-line up sa akin noon. Natanggal lahat. Naudlot lahat. Nawala lahat,” aniya.

Feeling din niya na naging scapegoat siya na pinaglaruan at nadaya noon.

“Of course, para bang ang nangyari hindi mo ma-explain. Na-accept mo na na ito ang gagawin mo. Ito ang mangyayari sa iyo. Tapos, in an instant, nawala lahat. From certainty, naging uncertain iyong buhay mo,” paliwanag niya.

Gayunpaman, nakapag-move on na raw siya ngayon sa stigma ng nakaraan dahil happy siya sa kanyang bagong inspirasyon.

“I like it that way na non-showbiz siya. Actually, naghiwalay na kami pero nagkabalikan din. Noong nasa States nga siya, ang pagkakakilala niya sa akin, hindi artista. So far, ito naman talaga ang gusto ko,” pagtatapat niya.

Matagal-tagal na rin si Albie sa showbiz.

Nakita ang kanyang potensiyal na maging big star noong ipareha siya kina Kathryn Bernardo at Julia Montes sa “Mara Clara” bago pa man sumikat sina Daniel Padilla at Enrique Gil.

Aminado siyang at his age, pinag-iisipan na niya ang kanyang kinabukasan at nag-iisip siya kung magbabakasyon ba siya o hindi sa showbiz.

“Dedesisyunan ko siya kapag natapos na ang contract ko with my manager. Uupuan ko at pag-iisipan kung ano ang aking magiging options. Hindi pa kasi ako nakaka-graduate from college. Hindi naman lahat ng tao, nagiging Piolo Pascual. Everyday, ang daming mga bagong artistang nadi-discover. Hindi ko rin talaga alam dahil tumatanda na rin ako. Pakonti nang pakonti iyong mga opportunities so, I have to be practical and think of my fallback also,” aniya.

Bagamat nakalabas na si Albie sa mga horror movie, bagong experience para sa kanya ang pelikulang “Pwera Usog” na showing na sa March 8.

“Ginamitan kasi ako ng prosthetics dito so nag-level up siya in the sense na iba rin iyong takutan at gulatan ditto.”

Pagwawakas pa niya, ang “Pwera Usog” daw ang tipo ng pelikulang mae-enjoy ng buong barkada dahil ginawa talaga ito para sa millennial generation.

Leave a comment