
Albie Casiño challenges Andi Eigenmann to provide a DNA test
by Rommel Placente
Hanggang ngayon ay ayaw pa ring akuin ni Albie Casino na siya ang ama ng baby ni Andi Eigenmann kahit pa sinasabi ng aktres na siya talaga ang tatay nung baby. Naghamon pa si Albie na dapat daw ay ipa-DNA test ang bata para matukoy na raw kung sino talaga sa kanila ni Jake Ejercito ang tunay na ama nito. Ayon kasi kay Albie, nung sila pa raw ni Andi ay boyfriend din daw nito si Jake, pinagsabay daw sila ng aktres.


Well, para nga magkaalaman na, tanggapin na lang sana ni Andi ang hamon ni Albie na ipa-DNA test ang bata. At least kung mapapatunayan niya na talagang anak nila ni Albie ang bata, e di mapapahiya lang ang aktor at puwede niya na itong hingan ng financial support para sa kanilang anak, di ba?
[divider]
Heart Evangelista hopes that her parents will surprise her in attending her wedding
Sa Linggo, February 15 na gaganapin ang kasal nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escuidero sa Balesin Island. Pero kahit nagkaayos na si Heart ang kanyang mga magulang ay hindi pa rin dadalo ang mga ito sa araw ng kanyang kasal. Ang sigurado lang na pupunta roon ay ang mga kapatid ni Heart
Wish lang ni Heart na magbago pa rin ang desisyon ng kanyang mga magulang at maisipan pa rin ng mga ito na magpunta sa pinakamahalagang araw sa kanyang buhay. Sana raw ay surpresahin siya ng mga ito.
[divider]
Anjo dislikes her own brother’s FB post against PNoy; sends sorry to Kris through Mayor Bistek
Kahit pala si Anjo Yllana ay hindi pabor sa ginawang pag-post ng kanyang kapatid na si Jomari Yllana sa kanyang Facebook account na sinabi nitong pinakatangang presidente sa kasaysayan ng Pilipinas si P-Noy, kaya humingi siya ng sorry kay Kris thru her ex-boyfriend Mayor Herbert Bautista. ‘Pag nakarating kay Jom, ang paghingi ng dispensa ng kanyang kuya Anjo kay Kris, ano kaya ang mararamdaman niya? Isang malaking sampal yun sa kanya na hindi nagustuhan ng sarili niyang kapatid ang hindi magandang pag-post niya ng message sa FB laban kay P-Noy.
Follow me…
Rommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente