May 22, 2025
Alden and Maine draw inspiration from each other
Faces and Places Latest Articles Movies T.V.

Alden and Maine draw inspiration from each other

Jul 4, 2016

Archie liao

By Archie Liao

ALDEN-MAINEGumawa ng kasayasayan ang tambalang Aldub sa telebisyon sa kalyeserye ng longest running noontime variety show na “Eat Bulaga”.

Phenomenal ang kanilang love team na minahal at patuloy na sinusubaybayan ng milyun-milyong fans nila mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Nagkaroon ng bagong sigla ang career ni Alden Richards at naging sweetheart ng bayan ang Dubsmash Queen na si Maine Mendoza dahil dito.

Malaking boost din sa kanilang career ang tagumpay ng kalyeserye.

Nadagdagan din ang confidence ng Pambansang Bae sa kanyang sarili.

“Utang ko lahat ito kay Maine. Four years na akong artista at talagang malaking pagbabago siya mula sa dating Alden Richards. Kaya naman, gusto kong alagaan ang tambalan namin ni Maine. I think, Maine completes me”, ani Alden.

Nakita rin ng mga tao ang iba’t-ibang talento ni Alden bukod sa pag-arte.

ALDEN-MAINE 2Naging most sought product endorser si Alden at naging successful recording star siya kung saan ang kanyang mga pinasikat na awitin tulad ng “God Gave Me You” at “ Wish I May” ay napakalakas ng recall sa madlang pipol.

Nalaman din ng kanyang mga fans na may angking galing din si Alden sa pagsulat nga mga tula.

Ayon pa kay Alden, isa si Maine sa kanyang naging inspirasyon sa pagsulat ng mga tula.

Hinuhugot daw niya ito sa kanyang mga naging karanasan sa buhay.

“Sa mga current situation kung saan ako nai-inspire, doon ako humuhugot. Kung inspired ka, lalabas at labas talaga siya sa pagsusulat mo. It’s more na nailalabas mo siya pag ginagamit mo ang puso mo. Iyong emosyon mo, kapag ini-express mo, doon lumalabas iyong mga words mo at nagiging spontaneous para magbigay ng meaning”, paliwanag ni Alden.

Sa kaso naman ni Maine, natupad ang pangarap niyang maging artista dahil kay Alden. Bukod sa pagdu-dubsmash, nadiskubre rin ang talent niya sa pagsulat ng kanta.

Katunayan, siya ang nag-compose ng kanta na ginamit na theme song ng pelikulang “Imagine You ang Me’, ang launching movie nila as a love team ni Alden.

“Actually, si Alden lang ang nakakapagpapa-relax sa akin. Napaka-supportive niya sa akin at nakatulong ang halos araw-araw naming magkasama sa kalyeserye para maging kumportable kami sa isa’t-isa”, ayon kay Maine.

May mga hugot din si Maine sa isa sa mga videos niya habang nagbibigay ng love advice sa isang fan.

Inspirasyon daw niya kasi si Alden at aminado rin siyang ang mga hugot na iyon ay nanggaling sa kanyang mga karanasan at pag-e-explore na rin.

“Mahilig kasi akong magbasa ng mga romantic novels tulad noong mga libro ni Nicholas Sparks. Tapos, mahilig din akong manood ng mga movies at rom-coms na may hugot, at siyempre sa mga karanasan ko, doon nanggagaling ang hugot”, pahayag niya.

Hindi rin ikinaila ni Maine na nagkaroon na siya ng boyfriend although hindi niya ito pinangalanan kung sino.

Ayun pa kay Maine, ginawa nila ni Alden ang ‘best’ nila para mag-level up na sa pelikulang “Imagine You and Me”.

“Hindi siya iyong usual na Alden at Maine na nakikita mo sa kalyeserye. It’s our first time na gumawa ng ganitong klaseng pelikula at nakaka-relate kami sa mga characters nina Andrew at Gara”, pahayag niya. “Hopeless romantic kasi ako and I believe na tulad ni Gara, there’s someone out there that I will spend my life with”, pagtatapos niya.

Handog nina Alden ang Maine ang “Imagine You and Me” sa kanilang mga mga tagahangang patuloy na sumusuporta sa kanilang tandem.

“After a year, marami pa ring kaming nadidiskubre ni Maine sa isa’t isa. Our relationship is like a rollercoaster. May mga ups and downs, paikut-ikot. Iyong mga past experiences namin at iyong journey namin ni Maine,  iyon  ang nag-i-inspire sa amin na pagbutihin pa kung anuman ang meron kami ngayon”, pagwawakas ni Alden.

Ang  kilig movie event of the year na “Imagine You and Me” ay mula sa direksyon ni Mike Tuviera na nagtatampok din kina Kakai Bautista, Cai Cortez, Irma Adlawan at Jasmine Curtis-Smith.

Ito ay mapapanood na sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa simula sa Hulyo 13.

For  your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com.

Leave a comment

Leave a Reply