Has Alden and Maine aka Yaya Dub met before?
By PSR News Bureau
May kumakalat na larawan ng aktor na si Alden Richards at ang Youtube sensation na si Maine Mendoza na mas kilala sa pangalang ‘Yaya Dub’ na nagpapatunay diumano na nagkita at nagkasama na ang dalawa taliwas sa nangyayari sa kanilang sikat na sikat na kalyeserye sa noontime show na “Eat Bulaga.”
@mainedcm pic.twitter.com/bwhP142E48
— Saori Brojan (@SaoriBrojan) August 19, 2015
Kuha ang nasabing larawan sa isang fair ng kilalang magazine noong panahong hindi pa sikat si Yaya Dub at si Alden naman ay nagsisimula pa lang sa showbiz na gumagamit pa ng kanyang tunay na pangalan na Richard Faulkerson Jr., at hindi pa sa kanyang sikat na monicker ngayon na Alden. Taong 2010 nang kunan ang nasabing larawan. Inamin naman ni Alden na noong panahon na iyon ay nagpunta nga siya sa isang event, ngunit hindi na niya ito gaano matandaan.
Ayon pa kay Alden, baka noong 2010 ay isang typical encounter lang yung nangyari between him and a fan. Baka nga totoong minsan nang nag-krus ang landas nilang dalawa pero never daw silang na-introduce. “Nagulat ako dun! Just to clarify things talaga with everyone, hindi po scripted yung hindi namin pagkikita [ni Maine],” sabi ni Alden.
“Talagang we’ve never met each other. We’re not texting or calling each other. And yung sagutan namin sa social media is pakiramdaman lang. But I’m looking forward to meeting her soon.”