
Alden Richards accepts new job; Bianca Umali offers new track
Ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang pinangalanang anti-COVID-19 ambassador ng Philippine government kung saan makakatuwang niya ang Department of Health, United States Agency for International Development (USAID), Laging Handa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF), and National Task Force on COVID-19.
Inanunsyo ito sa pamamagitan ng isang TV commercial tampok si Alden.

Simula nang ipatupad ang quarantine sa bansa, isa si Alden sa celebrities na laging nagpapaalala sa fans at publiko na mag-ingat at sumunod sa health protocols mula sa healthcare experts.
*****
Pumatok sa netizens ang latest single ng Kapuso actress na si Bianca Umali na “Kahit Kailan.”

Ayon sa GMA Music, umabot na sa higit 300,000 streams sa Spotify ang debut single ng aktres. Una itong ni-release noong March 2, mismong araw ng kanyang 21st birthday. April 15 naman nag-premiere ang official music video nito.
Ang “Kahit Kailan” ay available for streaming sa Apple Music, Spotify, YouTube Music, at other digital stores worldwide.