
Alden Richards clarifies issue of taking projects that are supposedly for Aljur Abrenica
by Rommel Placente
Sinasabing isa si Alden Richards ang dahilan kung bakit nag-decide si Aljur Abrenica na umalis sa GMA 7 at idemanda pa ito. Ang mga project daw kasi na dapat para kay Aljur ay napunta kay Alden na ayon naman kay Alden ay wala itong katotohanan.
“Yun nga sabi nga nila, pero ‘di ko talaga maintindihan ‘yun. ‘Di ko maintindihan kung bakit in-affiliate ‘yung case na sinampa ni Aljur against GMA sa akin,” sabi ni Alden nang makausap siya ng Philippine Showbiz Republic (psr.ph) at ng ilang entertainment press kamakailan sa launching ng New Faces ng Boardwalk, na isa siya sa mga ito.
Ayon pa kay Alden, wala raw siyang inagaw na project kay Aljur at wala rin daw siyang alam o natatandaan na may project si Aljur na napunta sa kanya.
“Ang alam ko wala. Kasi ang alam ko beforehand, ‘pag mayroon malaking project na ginagawa ang GMA, sa Artist Center group, sa management namin, Aljur is always the priority.
”And then, kung hindi man available si Aljur, or yung role hindi para sa kanya, saka naghahanap ang Artist Center ng iba na fit for the role.” Paliwanag pa ni Alden.
Sa kabila ng isyu sa kanila ni Aljur, willing pa rin ba siyang makatrabaho ito?
“Oo naman,” sagot ni Alden
“Ang alam ko nga babalik siya this year. Kasi hindi pa naman tapos ung contract niya with GMA. So hopefully a project or movie with him.”
Pero kung makabalilk man si Aljur sa GMA 7, hindi na rin siya makakasama ni Alden sa pelikulang Cain at Abel mula sa GMA Films.
“Pinalitan na kasi siya ni Mark Herras, e,”
In good terms pa rin ba sila ni Aljur kahit may intriga sa kanilang dalawa?
Oo naman, wala namang nagbago.ddedee
“Kagaya last time, siguro two months ago, nagkita kami sa Sultan Kudarat. May event kasi siya roon tapos sumabay ‘yung GMA Regional.
“Doon kinumusta ko siya. Okay naman daw siya, pero nakita ko yung longing niya, yung willingness niya na bumalik sa GMA. I saw that in him,
Follow me…
Rommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente