
Cristy Fermin on Alden Richards: “Napakabait na bata. At maski nakakanti ko paminsan-minsan, hindi niya ito tine-take personally.”
AFTER HIS grueling job recording at the studio, Alden Richards decided Nike Free 4.0 V3 Black to pay the Queen of Intrigues Cristy Fermin celebrating her birthday with a dinner tendered by a close friend, fondly called Tita Lily Chua, a quick visit!
In tow was Alden’s publicist and Road Manager. Ang sabi babati lang ito kay Nanay Cristy at may aasikasuhin pa dahil pa-lipad nga ito sa Singapore kinabukasan para sa isang show.
Pero hindi na naitago ni Alden ang kanyang pagla-mahiyain nang ang mismong birthday girl na ang nagyaya sa kanya to grab a bite.
“Gutom nga po ako talaga!”
At hindi naman daw siya ma-rice sa pagkain kaya with the baby backribs ay ang pasta ang itinerno niya habang nakipagkwentuhan na sa mga nakaharap sa nasabing dinner.
“Minsan po pumasyal kayo sa aming restaurant sa Tagaytay, sa Concha’s. Kung saan ako nag-invest at nakipag-partner sa ilang friends. Masarap din yung may ibang pinagkakaabalahan.”
The visit with the Queen was short and sweet. And it was Alden’s way of paying homage to one special person industry.
Sabi nga ni Nanay Cristy, “Napaka-bait na bata. At maski nakakanti ko paminsan-minsan, hindi niya ito tine-take personally.”
But someone took this gesture of Alden personally. At maski na pinalitan pa nito sa kanyang mala-nobelang blog ang kasarian ng kausap alam mong ang pinatutungkulan ni Maine sa kanyang “That’s How It Works,” kung saan inilantad at ipinakilala niya ang sarili na walang sinisino at kelanman eh hindi na raw pwedeng diktahan, simple lang ang isinagot sa kanya ng kausap sa tanong niya kung bakit nito ginawa ang isang bagay na hindi niya inaasahang gagawin ng isang nasa showbiz-that of pleasing people. Ang sagot nga raw ng kausap eh, “That’s how showbiz works!”
And from there nagsabi na agad si Maine ng napakahabang litanya kung bakit walang makapagpapabago sa kung sino siya.
Kasunod na rin nito ang walang puknat na pag-bash ng ilang tagahanga ni Maine kay Nanay Cristy. At umabot pa sa pagdulog nila kay Atty. Ferdinand Topacio para maghain daw ng demanda laban sa kolumnista at host ng programa niya na “CristyFerMinute”.
Pero tinanggihan sila ni Atty. Topacio by saying na matagal na silang magkaibigan ni Nanay Cristy at ‘yun ang isasaalang-alang niya sa ganitong sitwasyon.
Libel ang gustong ireklamo ng mga bashers pero ipinaliwanag din mg nasabing abugado sa programa mismo ni Nanay Cristy kung may merito ba naman ang inirereklamo ng nasabing mga bashers.
Simple lang ang masasabing bunga ng magandang pagkatao ni Alden na malayo sa faux leading lady niya-humbled by his beginnings. Kaya naman ngayong nakakamtan na ang mga pinapangarap, isang bonggang pasasalamat sa may halos isang daang entertainment press ang binuweltahan ng kanyang ibinahaging mga pagpapala.
So, saan sa damputin si Maine? At meron din ba siyang press people na hahatiran ng pasasalamat sa pagkakataong ito? Kung ang panuntunan niya eh, wala sa pagsukli ng magandang pakikitungo sa mga ito.
For Maine, that’s not how it works.
Pero for Alden, it’s a great deal!
Sabi ni Maine “C’est la vie!”
Sabi ko naman “Comme ci comme cą!”