
Alden Richards on the possibility of courting Maine Mendoza: “We’re both single so anything is possible.”
by PSR News Bureau
Matindi talaga ang tama ng buong sambayanan sa tambalang ‘AlDub.’ Ngiti pa lang at kaway [na mas kilala bilang ‘pabebe wave’] ni Alden Richards sa publiko ay sapat na upang maghiyawan ang mga kababaihan. May cute na dimples nga naman ang binata at sadyang hindi mahirap lapitan kung kaya’t hindi na kami nagtataka kung bakit ito bumulusok sa kasikatan.
Talented din si Alden, marunong kumanta na miski si Brian White na orihinal na umawit ng ‘God Gave Me You’ na siyang cover niya sa kanyang album ay napabilib ni Alden.
Nakapanayam ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) si Alden. Anong real score sa kanila ngayon ni Maine [‘Yaya Dub’]?
“We’re very good friends. Okay naman po kami. Mas madalas po kaming magkasama at magkausap ngayon. We’re also very grateful for the opportunities that are coming our way,” bungad ni Alden.
May balak ba siyang ligawan ang dalaga?
“She’s single. I am single. Anything is possible po. We’ll see…it’s too early to tell po. We’re still getting to know each other each day better.”
Pero type talaga niya ang beauty ni Maine?
“She’s pretty and loveable. Sinong lalaki ang hindi siya magugustuhan?”
Baka maunahan siya ng ibang gustong manligaw kay Maine.
Papayag ba siya na may ibang manligaw kay Maine?
“This is a free country naman. I’d respect her right to accept suitors. Okay sa akin yun kasi mas magiging challenging for me.”
Palagay ba niya magtatagal pa ang ‘AlDub’ Fever?
“As long as tinatanggap pa kami ng tao, we’ll be here together. We know naman na darating yung time na we had to part on our separate ways. But for now, hindi po yun ang iniisip namin. Our goal is to make people happy. We’re also happy being together and doing the kalyeserye. Doon po muna ang focus namin. Now, if we feel na gusto namin ituloy for real whatever it is that we have for each other, we’ll cross the bridge na lang po when we get there.”
Mapapanood ang ‘AlDub’ kasama nina Vic Sotto at Ai Ai Delas Alas sa pelikulang “My Bebe Love: Kilig Pa More” simula sa December 25 sa mga sinehan nationwide.