May 22, 2025
Alden Richards receives death threats; asks help from GMA and NBI
Latest Articles Rodelistic

Alden Richards receives death threats; asks help from GMA and NBI

Sep 30, 2016

May death threats pala na natatanggap si Alden Richards at ang pamilya niya. Kaya naman humingi na sila ng tulong sa mother studio niya na GMA Artist Center at sa National Bureau of Investigation (NBI).

“We’ve been taking actions naman po with regards to that.” sabi ni Alden.

Pero naniniwala silang hanggang mga banta lamang ito at hindi talaga seryoso.

“Kasi ang akin lang naman po, if you’re threatening someone, there’s a 90 percent probability na hindi mo siya gagawin because you are threatening. Yung mga nagti-threat, hindi nagsasabi ‘yan. Ginagawa na lang nila.  There are a lot of people like that, especially in social media. Napakadaling gumawa ng statements and threats like that,” dagdag niya.

Ganun man, nag-iingat na rin daw sila.

“Pero so far naman po, we’ve been very careful with that and, kumbaga, we just take extra caution kapag nasa labas. Kumbaga, yung mga threats like that are being done by people na siguro walang magawa.”

Sa ngayon daw ay ipinauubaya na nila sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mga pananakot at banta sa kanilang buhay.

******************

Pagkatapos ng revelation ng half sister ni Andi Eigenmann na si Max, na si Jake Ejercito ang tunay na ama ng anak ni Andi na si Ellie at hindi si Albie Casino ay hindi pa rin nagbibigay ng pahayag tungkol dito sina Jake at Andi.

Wala silang confirmation o denial na ginawa sa kani-kanilang social media account.  Nanatili silang tahimik sa ibinunyag ni Max. So iisa lang ang ibig sabihin nito, na totoo nga na si Jake ang ama ni Ellie. May kasabihan kasi tayo na “Silence means Yes”, di ba?

albie

Speaking of Albie, may mga nag-i-encourage pala sa kanya na idimanda si Andi dahil sa paninira nito sa kanya dati, na kung ano-anong masasakit na salita ang sinabi nito  laban kanya. Well, pakinggan kaya ni Albie ang payong ‘yun sa kanya? Idemanda nga kaya niya si Andi? Abangan!

 

***********************

Muling nag-produce ng pelikula ang owner ng Goodwill Bookstore na si Ms. Maria Teresa Cancio at dalawa na agad ang nagawa niya, huh! Ito ay ang “Pusit” na bida si Jay Manalo mula sa direksyon ng aming kaibigan na si Arlyn dela Cruz at “Higanti” na bida naman si Assunta de Rossi.

Ang “Pusit” ay tumatalakay sa HIV/AIDS while ang “Higanti” ay isang socio-political drama. Ilalahok ni Ms. Cancio ang kanyang mga pelikula sa darating na 2016 Metro Manila Film Festival.  Wish niya na mapili ang mga ito sa nasabing film festival.

“Sana ay palarin na makapasok dahil maganda at may relevance ang mga pelikula,” sabi pa ni Ms. Cancio.

14397364_10155190186750961_1168962089_n

Leave a comment