Tuloy-tuloy ang suwerteng dumarating ngayon sa ‘Pambansang Bae’ na si Alden Richards. Pagkatapos tumanggap ng Platinum Record award ang “Wish I May” album niya mula sa PARI, heto’t ang drama series na ginawa niya last year mula sa GMA 7, yung “Ilustrado” kung saan gumanap siya rito bilang si Dr. Jose Rizal ay tumanggap ng Best Drama Series/Program sa katatapos lang na 37th Catholic Mass Media Award na ginanap nung Wednesday sa Star Theater in Pasay City.
Ang maganda dito kay Alden, sa kabila ng kasikatan na tinatamasa ni Alden, hindi pa rin namin siya kinakitaan ng pagbabago, approachable pa rin siya. Yun siguro ang dahilan kung bakit nga tuloy-tuloy ang blessings na natatanggap niya.
Kabi-kabila ang trabaho ngayon ni Alden, pero ayon sa kanya, ay hindi naman daw siya umaangal o nakakaramdam ng pagod. Mas gusto nga raw niya na magtrabaho dahil workaholic siya.
A double celebration for upcoming actor Martin Venegas
Dalawa ang naging selebrasyon ng young actor na si Martin Venegas ng kanyang ika-13th birthday. Nagkaroon siya ng advance celebration nung October 17 na ginanap sa MSV studio ng kanyang mga magulang kung saan ay naging bisita niya ang kanyang mga kaibigan at ang MSV family niya. Nung mismong birthday niya nung October 20, ay nag-dinner naman sila ng family niya sa isang
restaurant. Ang gift sa kanya ng kanyang mga magulang ay mamahaling sapatos na Jordan 29. Sobrang natuwa at na-appreciate naman ng gwapong bagets ang birhday present na ‘yun sa kanya, dahil noon pa niya pangarap na magkaroon ng ganoong klaseng sapatos. Ang birthday wish ni Martin ay maging successful siya sa kanyang showbiz career at ang safety ng kanyang pamilya sa lahat ng sakuna. O di ba, ganoon kamahal ni Martin ang pamilya niya?
[divider]
Sarah Geronimo’s “From The Top” concert now sold out; producer extends for another night
Dapat sana ay sa isang gabi lang, sa December 4 gaganapin ang concert ni Sarah Geronimo sa Araneta Coleseum billed as “From The Top” pero dahil sold-out na agad ang ticket para rito, kaya’t nagdesisyon ang producer ng concert which is Viva Live. Inc. na magkakaroon ito ng ikalawang gabi, which will be on December 5 para ma-accommodate pa ang ibang mga fans ng Pop Princess na gustong manood ng kanyang concert. Sabi nga ni Sarah, ito ang second time na nagkaroon siya ng two-night concert. Ang “From The Top” ay mula sa musical direction ni Louie Ocampo at promising director Paolo Valenciano.