June 11, 2025
Alden Richards shares the secret of his youth
Faces and Places Featured Latest Articles

Alden Richards shares the secret of his youth

Aug 22, 2016

Pagkatapos ng matagumpay niyang pelikulang “Imagine You and Me” kasama ang kanyang ka-love team sa Eat Bulaga kalyeserye na si Maine Mendoza, things are getting rosier for Alden Richards.

Alden RichardsNaging matagumpay din ang launch ng kanyang librong may titulong Alden Richards: In My Own Words” kama-kailan. Sa nasabing launch ay dinumog ng kanyang fans at supporters ang Pambansang Bae.

Katunayan, sold out ang copies ng libro kaya binabalak na magkaroon na ito ng second printing.

Malapit na ring lumipad si Alden dahil join siya sa cast ng “Encantadia” kung saan gaganap siya bilang si Lakan, isang Mulawin. Ang Mulawin ay isang nilalang na kalahating tao at kalahating ibon na pinasikat noon ng dating Kapuso actor na si Richard Gutierrez.

 

“Honored ako na mapabilang sa “Encantadia” dahil part siya ng generation ko. Lumaki ako na may “Encantadia” kaya  nakaka-proud na makasama sa isang kuwento na sinubaybayan noon at naging bahagi na ng pop culture ng mga Pinoy,” aniya.

 

Ayon kay Alden, masusi ang paghahandang ginagawa niya sa nasabing fantaserye kung saan ay inaasahang magkakaroon din siya ng fight scenes para tulungan ang mga diwata sa kanilang misyon.

 

“Kailangang mag-gym at mag-diet. Siyempre iyong costume na susuutin ko ay kailangang fit pag sinuot ko para hindi siya nakakailang sa mga fight scenes,” paliwanag niya.

 

Nakatakda rin siyang gumawa ng teleserye pero ayaw pa niyang i-disclose kung ano ang mga detalye nito bagamat nasabi niya noon sa kanyang thanksgiving party sa press na gusto niyang makasama rito ang kanyang onscreen partner na si Maine Mendoza.

Sa kabila ng kanyang hectic schedule, napapanatili pa rin ni Alden ang kanyang youthful glow at disposition.

Ano nga ba ang sikreto niya?

 

“Ako kasi, I entertain positive thoughts para maganda ang ‘vibes’, kasi if you are a positive person, it will grow on you,” pagbubunyag ni Alden.

 

Dagdag pa ni Alden, nakakatulong din daw ang magkaroon ng healthy lifestyle.Alden Richards

 

“I don’t smoke. I don’t drink. I’m an advocate of healthy living. I practice clean living at iyon marahil ang sikreto,” bulalas niya.

 

Happy din si Alden dahil siya ang tinanghal na male TV of the year ng isang entertainment online magazine.

 

“Utang ko ang lahat ng ito sa aking fans at followers at doon sa supporters namin ni Maine  na walang  sawang tumatangkilik sa akin,” sey ni Alden.

 

Sa nasabing parangal, si Maine Mendoza naman ang pinarangalang female TV star of the year.

Wagi rin ang kanilang tambalang Aldub o Alden at Maine bilang newsmaker of the year at celebrity pair of the year.

Si Alden ang brand endorser ng isang glutathione supplement.

Ayon sa pagsasaliksik, ito ay mabisang panlaban sa stress na may powerful antioxidants at  anti-aging properties na tumutulong para ma-neutralize ang free radicals at ma-eliminate ang toxins sa katawan. Effective din itong immune booster.

Leave a comment