
“The redeeming factor of my character in ‘Bambanti’ is where my integrity lies,” – Alessandra de Rossi’s film entry in ‘Sinag Maynila’
Kung may maipagkakapuri ka kay Alessandra de Rossi, ito ay ang kanyang tapang na harapin ang hamon ng bawat role na maiatang sa kanya sa bawat pelikulang ginagawa niya.
Sa kanyang bagong pelikulang ‘Bambanti’ (Scarecrow), prangka niyang sinabing hindi siya na-intimidate na maka-eksena si Shamaine Buencamino.
Ayon pa kay Alex, hindi rin siya takot sa scarecrow. Mas takot raw siya sa mga taong may masamang intensyon sa kapuwa.
Paano mo inaatake ang mga roles na minsan ay paulit-ulit na ginagampanan mo?
“For me, mahirap nga ako rito, isang labandera na napagbintangan ng kanyang among nagnakaw, pero hindi siya paulit-ulit. Iba kasi iyong kuwento at iba rin iyong kinakailangan ng karakter ko rito kahit ilang beses na akong lumabas ng purdoy sa pelikula,” sey niya.
Bakit “Bambanti” ang title ng pelikula?
“Bambanti kasi is an Ilocano term for scarecrow. Iyong setting niya ay sa palayan sa Isabela. Backdrop iyong scarecrow. Double meaning siya dahil it could possibly mean iyong takot ng under privileged o mahirap sa mayaman o may kapangyarihan o iyong agwat nila.”
Ano ang kunsiderasyon mo at tinanggap mo ang role mo rito sa “Bambanti”?
Base siya sa true story. Iyong redeeming factor noong character ko kung saan nakasalalay ang integridad niya bilang tao. Iyon ang nagustuhan ko sa iskrip kaya ko siya tinanggap,” paliwanag ni Alex.
Ayon pa kay Alex, to add credence to the film, itinampok rin sa pelikula nila ni Direk Zig Dulay (Huling Halik, M: Mother’s Maiden Name) ang Bambanti festival na ginanap noong Enero 27 sa nasabing lugar.
Ano ang fulfillment na nakukuha mo sa paggawa ng mga indie films?
“Iyong katotohanan. Kasi, sa mga indie film, mas makatotohanan ang mga character. Dito sa Bambanti, natutunan kung maglakad sa mahabang pilapil na hindi nahuhulog at walang daya,” pahayag ni Alex. “Lahat naman kasi ng ginawa ko, forever na silang nasa puso ko,” pahabol niya.
Bukod kay Shamaine Buencamino, kabituin rin ni Alessandra sina Micko Laurente, Julio Diaz, Lui Manansala, Delphine Buencamino, Erlinda Villalobos, Celio Aquino, Abegail Edillo at Kiki Baento sa “Bambanti” (Scarecrow) na kalahok sa Sinag Maynila filmfest na mapapanood mula Marso hanggang 24 sa SM Cinemas.
Follow me…