
Alex Gonzaga favors long courtship
Nagkaroon na ng boyfriend si Alex Gonzaga kaya naman nakaka-relate siya sa kanyang role sa pelikulang “My Rebound Girl”, ang launching movie niya sa ilalim ng Regal Entertainment.
Ayon pa sa aktres, nakaranas na rin siya ng heartbreak pero madali raw naman siyang naka-move on.
Naging ‘rebound girl’ na rin daw siya sa tunay na buhay bagamat ayaw na niyang i-disclose kung sino at kanino ang naging cause ng heartbreak niya.
Dahil ba sa naging karanasan mo, naging mapili ka na pagdating sa mga lalakeng nanliligaw sa iyo?
“Hindi naman sa mapili. Siguro, naging cautious na lang ako”, bungad niya.
Puring-puri ni Alex ang pagsasama ng kanyang Ate Toni (Gonzaga) at ng asawa nitong si Direk Paul Soriano.
“Hindi naman siya perfect pero I think isa siya sa mga ideal marriages na nakita ko”, pagmamalaki niya.
So peg mo sa pag-aasawa at pakikipagrelasyon ang Ate mo?
“Hindi naman sa peg, kaya lang gusto ko ring makatagpo nang ng ideal man at husband na katulad ng sa Ate ko. Kasi, I think, meant talaga sila for each other and and when you talk of relationships, ayoko naman siyang madaliin,” paliwanag niya.
Hindi ba ito ang dahilan kung bakit atubili kang magka-boyfriend muli?
“Hindi naman. Dahil ako, choice ko rin ito sa ngayon. Marami pa akong gustong ma-achieve, para sa sarili ko at para sa career ko. Iyon ang priority ko at para sa akin ,love naman can wait”, deklara niya.
Nakapagsulat na rin si Alex ng dalawang libro na nabili na sa kanya at posibleng gawin ng isang major production outfit.
Katunayan, may payo siya sa lahat nang madaling mag-fall in and out of love.
“Huwag magmadali. Kailangang paghirapan at patagalin iyong panliligaw. Kung seryoso naman sa iyo ang lalake, malalaman at malalaman mo naman iyon. Ang maganda kung pinatatagal, nagkakaroon pa kayo ng panahong makilala ang isa’t-isa at doon mo malalaman kung seryoso talaga siya sa iyo”, esplika niya.
Excited si Alex dahil balik-tambalan sila ng kanyang paboritong leading man sa kanyang launching movie.
“Si Joseph naman, matagal na rin ang pinagsamahan namin ever since noong nakatrabaho ko siya sa “Pure Love”. I think, mas lumalim lang ngayon dahil muli kaming nagkasama rito sa “My Rebound Girl”. Ayokong mag-assume na nanliligaw siya. Pero, in fairness naman sa kanya, consistent naman siya ever since”, ani Alex.
Sa palagay mo ba, this time around ay seryoso na ang panliligaw sa iyo ni Joseph?
“For the record hindi ko rin alam. Parang feeling ko, oo. Paramdam, oo. Parang may signal naman. May mga time na nagbibigay siya ng signal”, sambit niya.
May konek sa kape ang pelikulang “My Rebound Girl” at para kay Alex ay ikinukumpara niya sa kakaibang klase ng kape ni Joseph.
“Sa akin si Joseph, Kapeng barako siya na maraming sugar. Iyong akala mo, strong pero pag nakilala mo sa loob, sweet pala siya as a person na habang tumatagal ay nakikita mo iyong soft side niya. Vulnerable siya na iyakin pero before that, akala mo marami siyang walls”, pagwawakas niya.
Biggest break ni Alex ang “My Rebound Girl” dahil 9 na taon ring siyang naghintay bago nabigyan ng break bilang bida sa pelikulang siya ang magdadala.
Bukod kay Marco, ang “The Rebound Girl” ay nagtatampok din kina Martin Escudero, Dominique Roque, Alora Sasam, Nathalie Hart, Mitoy Yonting, Carl Guevarra, Helga Krapf, Anna Vicente, Pinky Amador, Racquel Villavicencio, Lawrence Yap at Nico Nicolas.
Ito ay mula sa direksyon ni Emman dela Cruz at mapapanood na simula sa Septiyembre 28 sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa.