May 22, 2025
Alex Gonzaga reacts half-jokingly to press on her upcoming concert in Smart Araneta Coliseum, “What is too soon? If not now, when?”
Music Short & Meaningful Stories

Alex Gonzaga reacts half-jokingly to press on her upcoming concert in Smart Araneta Coliseum, “What is too soon? If not now, when?”

Feb 27, 2015

john@fontanilla
by John Fontanilla

Alex Gonzaga 01 copyBig leap sa career ng mahusay na host/comedienne at Kapamilya Star na si Alex Gonzaga ang pagkakataong binigay sa kanya ng concert producer na si Joed Serrano na magkaroon ng konsiyerto sa darating na April 25, 2015 na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.

Kuwento nga ni Alex sa Philippine Showbiz Republic (PRS) sa mismong presscon ng concert nito entitled ‘AG to the East The Unexpected Concert’ ng CCA Productions and MGM Productions last February 26 na ginanap sa Max’s Restaurant sa Roces Ave., QC patungkol sa kanyang nalalapit na concert, “Actually, pinag-pray ko po ‘yan at ilang beses naming pinagisipan, nangulit si Kuya Joed (Serrano, ang producer) pati daddy ko, na-convince niya,

“Kaya naman inisip namin na baka blessing ito talaga, we accept naman challenges and at the same time nagpapasalamat talaga ako kay Kuya Joed kasi nagtiwala talaga siya.”

Sundot na biro nito, “Sino pa ba ang magkakatiwalaan kung hindi tayong mga Pilipino, so magtiwalaan na lang tayo sa isa’-isa.”

Alex Gonzaga 02 copyAng reaksyon naman ni Alex sa mga nagsasabing, “too soon” ang concert sa Smart Araneta Center ay, “What is too soon?” pagdadaan nya sa biro.  “The question is, uhm if it is not now, when? Sanay ako sa kasabihan take it or leave it, so, I took it,

“So nung sinasabihan ko na si Kuya Joed, parang medyo mahirap, masyadong malaki yung venue, okey na kami sa mas maliit,

“Parang deadma lang siya, very persistent siya, kaya naman inisip ko na baka naman si Lord na yung gumagamit sa’yo, sige why not,

“Kung hindi kumita alam mo na kung sino ang gumamit sa’yo (Joed) ha ha ha, ‘wag naman sana! Lets pray na maging okey, please.

“Ako naman kasi gusto ko namang mag-perform, gusto kong umawit kaya,

“Alam nyo naman alagad ako ng sining, kung anong hinihingi ng sining binibigay ko,”

 

Leave a comment

Leave a Reply