
Alex Gonzaga and Joseph Marco thank fans; enjoy working again as a love team
Pagkatapos magtambal sa defunct series ng Kapamilya Network na “Pure Love”, balik-tambalan sina Alex Gonzaga at Joseph Marco sa pelikulang “My Rebound Girl” mula sa Regal Entertainment at sa direksyon ni Emman dela Cruz.
Showing na ito sa September 28. Masaya pareho sina Joseph at Alex na nagkatrabaho ulit silang dalawa.
“I’m very thankful na nabigyan ulit kami ng opportunity na magka-work ni Alex. That’s why sobrang thankful kami to Regal Films, to mother Lily (Monteverde) and Ms. Roselle for giving us, you know, a wonderful opportunity to work together,” sabi ni Joseph.
”Dini-dedicate rin namin itong project n na ito sa supporters namin ni Alex, sa SephLex, kasi kahit wala kaming ginagawang project together noon, grabe pa rin ang suporta nila sa amin. So, para sa kanila talaga ito,” dagdag niya.
Sabi naman ni Alex, ”Siyempre masaya po ako na si Joseph kahit after Pure Love, nandun pa rin naman ‘yung communication naming, hindi nawala yung friendship. So sobrang thankful namin kay Direk Emman sa pagsulat nitong pelikulang ito na naisip nila kami. And of course kay mother Lily and Ms. Roselle na na-push –thru ito dahil sa kanila.”

Ngayong nagkatrabaho na sila ni Alex sa pelikula, ano sa tingin ni Joseph ang pagkakaiba ng paggawa ng pelikula sa paggawa ng serye? At kamusta ang muling pagsasama nila sa isang proyekto ni Alex?
“Well, malaki ang difference niya, kasi you know, doing a film, sobrang mabusisi talaga. That’s why we’re very thankful kasi sobrang patient ng director namin, na si direk Emman. And working with Alex, talagang mas comfortable ako sa kanya ngayon at mas gumanda siya. ‘Tsaka iba ‘yung tandem namin ngayon.”
At si Alex, kamusta ang muling pagtatrabaho nila ni Joseph?
“Dun sa “Pure Love”, siyempre hindi pa kami masyadong kumportable sa isa’t-isa kasi simula pa lang, first project namin together. Pero ngayon, mas constant ‘yung paglalandi niya sa akin. Parang mas consistent siya ngayon, gusto niya akong pakiligin,” natatawang sabi ni Alex.
Dahil nga kumportable na sila sa isa’t-isa ni Joseph kaya nagagawa na raw siya nitong asarin.
“Si Joseph kasi laging nang-aasar. Minsan sinasabi niya sa akin, nangangamoy (pawis) na raw ako,” dagdag pa ni Alex.
“Pag minsan dun sa eksena namin tapos medyo mahirap yung eksena, minsan lagi siyang nang- aasar, siya yung laging nangti-trip. E minsan siyempre kapag pagod ka na… pero kapag ngingiti na siya, kasi ‘pag aasarin niya ako tapos ngingiti na siya, hindi na ako naiinis sa kanya,” pagwawakas niya.
