May 30, 2025
Alex Gonzaga must learn her good manners and right conduct
Latest Articles

Alex Gonzaga must learn her good manners and right conduct

Apr 28, 2015

roldan@castro
by Roldan Castro

alex 10Bilang first timer, pasado na si Alex sa performance, sa production value at sa dami ng tao. Ninety to ninety five percent ang laman ng Smart Araneta Coliseum sa nakaraang ‘AG From The East: The Unexpected Concert’ ni Alex Gonzaga. Maaliwalas ang mukha at nakangiti ang producer na si Joed Serrano nang saglit naming maka-tsikahan para sa Philippine Showbiz Republic (PSR). Wala kaming nakikitang senyales sa kanyang mukha ng pagkalugi. Nagsalita ang producer ng ‘AG From The East: The Unexpected Concert’ na si Joed Serrano at ng CCA Entertainment Production Corporation tungkol sa isyung kumalat na ipinamigay ang tickets sa labas ng Smart Araneta para mapuno ang concert ni Alex Gonzaga nu’ng Sabado, April 25.

“Hapon pa lang bumuhos na ang tao at nagbilihan ng tikets hanggang mag-gabi na di ko expected na maubusan ng VIP at Patron. Yung mga ipinamigay ay sponsored ng Rusty Lopez dahil malaki yung alloted tikets sa kanila dahil sa sponsorship na ibinigay nila, ganun din with Belo, Ford ,Watsons at ABS-CBN Mobile,” paliwanag ni Joed.

“Nag- flash sa screen ng Araneta around 7 PM na sold out na ang VIP, Patron A, B & C at upper A. Upper B at Gen Ad na lang ang available. You can ask call Araneta sa mga di naniniwala and verify. Si Ms. Alice Dixon nga po ay di agad nakapasok dahil naghagilap pa kami ng extra tickets. Ms. Lucy Torres bought 3 VIP same with other celebrities like Julia (Barretto at Montes), Arjo Atayde, Jason Abalos, Keren Pascual, Direk Joyce Bernal, Direk Paul Soriano, lahat sila bumili ng tikets to watch. You can ask them kaya malabo po yung sinasabi nila na namigay lang kami ng tickets. Sa mga ayaw maniwala dahil gusto nilang maging negative, magpi-pray na lang kami para maging happy si God sa inyo,” dagdag pa ni Joed.

So, ang ipinamigay pala na ticket ay pang-general admission (sa tuktok ng Araneta) na worth P350 galing sa isang produkto na sponsor. Ito ‘yung puwesto na sobrang layo na sa stage.

Bandang 8PM nakita namin sa monitor ng Ticketnet sa Araneta na sold out ang VIP, Patron A, Patron B, Patron C, Upper Box. Sa loob ng Araneta nakita namin na ang bakante lang ay sa General Admission.

Nag-enjoy naman ang mga tao dahil hindi natinag ang crowd kahit umabot ng lampas tatlong oras ang concert ni Alex. Ilang beses kaming pinatawa ng singer-actress sa kanyang kakulitan at pagiging kikay. Ang pagiging naturalesa niya ang naging mitsa ng pagiging stand out niya nu’ng gabing ‘yun. Tinodo naman niya, ibinigay naman niya lahat. Wala siyang pakelam kahit bumuyangyang siya na naka-tangga sa kanyang opening number. Kinanta niya at sinayaw ang ‘Break Free’ na sinundan naman ng ‘One Last Time’. Di hamak na mas maganda ang boses ni Alex kumpara kay Toni kung seseryosohin lang niya.

Ibinuking naman ni Toni Gonzaga na mainit ang ulo ni Mommy Pinty dahil nakitaan ng bra si Alex sa entablado. Sa kanyang medley songs mula sa kanyang ‘I Am Alex G’ album nagkaroon ng wardrobe malfunction si Alex. Three times na umakyak ang staff para ayusin ang likuran ng kanyang damit habang tuloy siya sa pagkanta. Kumbaga, the show must go on.

Naikuwento pa ni Toni na hindi pabor si Mommy Pinty pag sexy ang isinusuot nila sa stage o maging sa ASAP. Lagi raw kasing kinu-question ng kanyang churchmates (Christian) pag napapanood silang nakasuot ng sexy outfit, “Hay naku, para kayong bold star,” tili ng Mommy Pinty.

Naikuwento rin ni Toni na muntik nang hindi maka-graduate nu’ng high school si Alex dahil bagsak sa GMRC (Good Manners and Right Conduct). Dumating sa point na ipinatawag ng mga madre si Mommy Pinty. Nalaman niya na sinita ng madre dahil natutulog ito sa hallway at ang sagot daw ni Alex ay puyat siya kaya hayaan na siya. Umuupo rin daw sa classroom na hindi naman niya klase.

May mga napansin din kaming asal ni Alex habang nagco-concert. Habang kumakanta ang Ate Toni niya sa entablado ay nangungulangot siya. Itinigil lang niya ang pagkalikot sa ilong nu’ng siya na ang kakanta. Dumura rin siya ng candy sa stage na sana ‘wag na niyang ulitin sa susunod.

Maging aware din si Alex na nakaka-offend siya sa attitude niya sa stylist niya at sa G-Force habang inaayusan siya sa stage. Paulit-ulit ‘yung pagtawag niya ng ‘hoy’. Kung ngayon pa lang na gumagawa siya ng pangalan ay ganyan ang treatment niya sa mga maliliit na tao,paano na kung super sikat na siya? Kung ang musical director niyang si Jimmy Antiporda ay natatawag niya ng kuya, bakit hindi niya matawag nang may respeto ang maliliit na tao? Hindi maganda sa pandinig ‘yung pagtawag niya ng ‘hoy’.

Isa pang kulang kay Alex ay PR sa fans, ni minsan hindi namin narinig na mag-‘I love you too’ ito sa fans. Kung hindi mababago ang asal na ito ni Alex, may tendency siya talagang lumaki ang ulo.

Maraming sumuporta kay Alex sa concert niya at nanood gaya nina Alice Dixson, Cong. Lucy Torres, ang suitor niyang si Arjo Atayde, Marjorie at Julia Barretto, Bimby Aquino Yap at Joshua Aquino, Jason Abalos at Vicky Rushton, Vice Ganda na ang biro’y ka-date niya si Robi Domingo, Rayver at Rodjun Cruz, Dianne Medina, Julia Montes, Smokey Manaloto, ilan sa dating housemate sa PBB All In, Direk Joyce Bernal at mga executives ng ABS-CBN 2.

Wala si Kean Cipriano sa concert niya kaya 2 days before the concert ay saka lang naimbitahan ni Alex si Ryan Bang na mag-perform kasama sina Matteo Guidicelli at Joseph Marco. Hanep din ang showdown nila ni Maja Salvador na kung tumagaktak talaga ang pawis ni Alex. Humingi siya ng tissue na inabot naman ni Bimby Yap sa stage na nalalaglagan ng shorts.

Nag-perform din ang mga celebrity impersonators ng ‘Your Face Sounds Familiar’ na sina Karla Estrada, Melai Cantiveros, Jolina Magdangal kung saan nag-impersonate sila ng foreign celebrities. Niyanig naman ni Vice Ganda ang Big Dome dahil pinagbigyan niya si Alex na magala-Madam Bertud na nagbibigay ng love advice. Inokray rin niya si Alex dahil nakitaan ito ng bra kaya nagtawanan. Nu’ng paalis naman si Vice, napansin ni Alex kaya sinita niya sa stage. Walang nagawa si Vice kundi bumalik sa upuan. Kitang-kita raw kasi ni Alex ang paalis na si Vice dahil sa kulay ng buhok nitol.

Nagbiro din si Vice Ganda na flat chested daw si Alex at hanggang ngayon ay naka-baby bra pa rin.

Malakas ang sigawan at palakpakan nang lumabas sa entablado si Toni. Pinagbiyan ni Toni si Alex sa dream niya na maging Anna at si Toni si Elsa kaya kumanta sila ng ‘Frozen’ with outfit. Sinundan ito ng ‘Bang Bang’ song na kung saan nagbiro si Alex na malapit nang ‘mag-bang bang’ si Toni dahil ikakasal na. Larawan ng isang proud ate si Toni kay Alex dahil dati ay nasa gilid lang si Alex nu’ng nagko-concert siya sa Araneta, nagiging utility pa niya at taga-abot ng tubig pero ngayon ay napatunayan ni Alex na kaya rin pala niyang magkaroon ng sariling entablado.

Leave a comment

Leave a Reply