
Alex Gonzaga will take it as a privilege in meeting the Diamond Star, Maricel Soriano

Noon pa man, tagahanga na si Alex Gonzaga ng Diamond Star na si Maricel Soriano. Katunayan, noong napili ng Dreamscape Entertainment na siya ang gumanap sa karakter na pinasikat ng premyadong aktres, walang pagsidlan ang kanyang naging kaligayahan.
“Diamond star siya at isang malaking karangalan sa akin na gampanan ang isa sa mga roles kung saan siya sumikat”, sey ni Alex.
Like it or not, dahil sa pagiging galawgaw mo sa iyong mga kilos, naikikumpara ka kay Maricel Soriano. Peg mo ba talaga siya o was there a conscious effort on your part na gayahin siya?
“Ibang-iba naman kasi ang treatment ng karakter ko rito sa ‘Inday Bote’. Itong pantaserye namin ay base sa komiks serial samantalang iyong sa kanya ay naging hit sa pelikula. Kung naikukumpara man kami, siguro it’s because of our affinity to the project. Pareho kaming ‘Inday Bote’. Kung nagiging inspirasyon man siya sa akin, it’s because legendary siyang artista na gusto ko ring maabot ang kasikatan at galing”, paliwanag niya.
Nakaharap mo na ba siya nang personal o nagkaroon ka ng pagkakataong makilala si Maricel?
“Hindi pa, pero gusto ko rin naman siyang makasama at makilala nang personal dahil magaling siya at premyadong aktres”, kuwento niya.
Kung magkikita ba kayo, ano ang sasabihin mo sa kanya?
“Siguro, More of, gusto kong humingi ng advice sa kanya o mga tips kung paano maging mas magaling na aktres. Kung paano ko pa pagbubutihan ang craft ko, aniya.
Sa Inday Bote, ginagampanan ni Alex ang role ni Inday, isang masayahing babae na punong-puno ng pangarap para sa kanyang sarili at pamilya. Kung paanong nabago ang buhay niya nang matagpuan niya ang mahiwagang bote na naglalaman ng mga duwendeng may superpowers at tutupad sa kanyang mga pangarap ay dapat na abangan sa magical summer offering ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment na mapapanood na sa primetime bida simula sa Marso 16.
Dobleng kilig rin ang hatid ng ‘Inday Bote’ dahil dalawa ang leading men ni Alex: sina Matteo Guidicelli at Kean Cipriano.
Kasama rin sa powerhouse cast sina Aiko Melendez, Alicia Alonzo, Smokey Manaloto, Nikki Valdez, Nanding Josef, Malou Crisologo, Jeffrey Santos, Alora Sasam, Biboy Ramirez, Izzy Canillo at ipinakikilala ang bagong child wonder na si Alonzo Muhlach, sa ilalim ng direksyon nina Malu Sevilla at Jon Villarin.
Follow me…