May 24, 2025
Alex Gonzaga’s UnExpected Concert was a success!
K3SN3 Latest Articles Uncategorized

Alex Gonzaga’s UnExpected Concert was a success!

Apr 27, 2015

Antazo PSR pic
by Mary Rose G. Antazo

Kapamilya Star Patrol– Naganap na noong Sabado, April 25, ang UnEXpected Concert ni Alex Gonzaga sa Smart Araneta Coliseum at masaya si Alex sa naging resulta nang puspusan niyang paghahanda para magbigay kasiyahan sa mga tao.
alex toni
Dream come true para sa kapatid ni Toni Gonzaga ang concert na ito kaya maraming kakaibang kaganapan ang napanood ng tao sa kanya dito. Una na rito ang buwis buhay na dance number nila ni Maja Salvador kung saan ay makikipagtagisan siya sa paghataw sa sayawan.

Grabe raw ang training na ginawa niya sa number na ito. “Lahat ng ka-OA-han ginawa ko, kasi isang ganun pa lang ni Maja, elbow na ako, laglag ako sa stage. So, kailangan magbuwis-buhay!”

Samantala, marami ang nagtataas ng kilay sa lakas ng loob daw niyang mag-concert sa Big Dome, ano ba ng masasabi niya sa kanyang mga bashers?

“Well, we really not can’t please everybody but I’m sure naman na yung fans sobrang nag-enjoy sila nung gabi ng concert. Combination yun ng dance, music and fun. Laugh trip talaga, pero ibinigay kong lahat,” kuwento pa ni Alex.

Samantala, all out din daw ang suporta ng kanyang mga guests sa show na niya dahil present ang mga kaibigan ni Alex gaya nina Luis Manzano, Jolina Magdangal, Maja Salvador, Matteo Guidicelli, Joseph Marco, Karla Estrada, at ang nakatatandang kapatid niyang si Toni Gonzaga.

“I’m really happy dahil ang daming nagmamahal at sumuporta sa akin sa venture ko sa pagiging concert artist. Todo na talaga ‘to,” sey pa ng bida ng Inday Bote.

Hindi rin daw magkaroon ng comparison sa kanila ni Vice Ganda dahil marami na itong napatunayan pagdating sa concert samantala siya ay first time pa lamang.

Congratulations Alex sa successful na UnEXpected Concert mo, from your Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) family!

[divider]

“I want to be a total performer and a beauty queen.” – Gabbi Garcia

11117096_347882708742987_1481937429_nKapuso Chika Minute – Promising ang Kapuso young actress na si Gabbi Garcia na ilulunsad sa seryeng Let The Love Begin ng Kapuso network katambal ang young actor na si Ruru Madrid. Maganda ang chemistry nila on screen at base sa trailer na ipinakita, masasabi namin potential big star si Gabbi ng GMA 7.

Nararamdaman ba niya ang importansyang ipinapakita ng kanyang mother network at balitang siya ang ginu-groom to be the next big star and to follow the footsteps of Marian Rivera?

“Opo naman, kaya nga very thankful ako sa lahat ng opportunities na ibinibigay nila sa akin. I’m so honored dahil I was given the chance to prove my worth even though I’m starting in the business. Eveytime na naririnig ko po iyan, siyempre nakaka-flatter, nandun ‘yung kaba at pressure, and for me, basta gagawin ko ang best ko sa lahat ng ibibigay sa aking projects,” sabi ni Gabbi sa presscon ng Let The Love Begin.”

Pinangarap ba niya o goal niyang maging Kapuso primetime queen?

“Oo naman po. Sino ba naman hindi ang magiging ganoon ang goal. Siyempre, pumasok na ako sa showbiz so bakit hindi ko na itodo, bakit hindi pa ako mangarap nang ganoon kataas? So let’s see na lang what happens, basta ako I’ll just give my best,” sagot pa ng morena beauty queen material na si Gabbi.

Kamusta naman sila ng kanyang ka-loveteam na si Ruru?

“We’re okay, friends. He is very maalaga, ‘yun ang hinahangaan ko sa kanya. Not all the guys kasi ganoon eh,” dagdag pa niya.

Sixteen years old pa lamang at 5’6” ang height, aminado si Gabbi na gusto niyang sumali sa Binibining Pilipinas.
“Gusto ko po sana. Sana tumangkad pa ako! Sana po talaga.”

Idol daw niya na beauty queen si Shamcey Supsup. May pagkakahawig nga sila ni Shamcey, at malaki rin ang pagkakahawig nina Gabbi at ng Kapuso actress na si Bettina Carlos.

“Oo nga po, marami po ang nagsasabi na kahawig ko si Ate Bettina Carlos. Sobrang close po kami ni Ate Bettina, lagi po akong nagi-guest dun sa show nila, sa Idol sa Kusina ‘tsaka nagka-work na po kami sa Seasons Of Love. Siya po yung ate ko dun,” kuwento pa ni Gabbi.

Bilang artista, sino ba ang nais ni Gabbi na sundan ang mga yapak?
“Ako po kasi gusto ko po talaga ang peg ko, para sa sarili, ha, ang gusto ko po talaga maging, actress, singer, dancer. Kasi gusto ko pong i-hone yung sarili ko as a total performer,” kuwento ni Gabbi.

[divider]

Ruby Rodriguez’s daughter Toni Aquino joins showbiz

Kapatid Showbiz Konek – Pumasok na rin sa mundo ng showbiz ang anak ni Ruby Rodriguez na si Toni Aquino. Una itong mapapanood sa TV5’s “Wattpad Presents Lala Laitera”. Suportado naman ito ni Ruby dahil alam niyang hilig ng bata ang pag-aartista rin. Isa lang ang kundisyon na hiniling niya at ito ay ang tapusin na muna ng bata ang high school at nakatakda rin itong mag-college sa darating na school opening.

LALA-875x480-sched
“Hindi naman maaalis na mahilig siya sa showbiz kasi, 6 months pa lang yan, isinasama ko na sa ‘Eat Bulaga’ at sa mall shows ko so I can spend quality time with her. She really grew up na Bulaga baby siya at sanay nang binibiro nina Vic Sotto and Joey de Leon,” pagsasalaysay ni Ruby.

Sa “Wattpad Presents”, her daughter Toni plays Lala Laitera and they get to act together. Package deal basis ba sila ng kanyang anak?

“No,” sagot agad ni Ruby. “When they offered a role to me, inalam ko muna kung ano. Kung mother ako, ayoko, kasi mag-ina na nga kami in real life, di ba? E, naiiba ‘yung role ko, diwata o fairy na mabaho kaya nilait niya. In return, isinumpa ko siya na lahat ng panlalait na gagawin niya, babalik sa kanya at maaalis lang ang sumpa kapag hinalikan siya ng lalaking mahal niya, played by Carl Guevarra.”

Samantala, nang matanong naman si Ruby kung kanino ba siya pinaka-close among sa hosts ng Eat Bulaga sagot niya,“Kay Pauleen Luna. I really don’t know why nag-click kami kasi malaki ang age gap namin. Puwede ko na nga siyang anak.”

May plano na bang magpakasal ang dalawa (Pauleen at Vic Sotto)?

“I really don’t know. But I told them na abisuhan naman nila ako long before the wedding kasi gusto ko namang magpapayat para sa kasal nila.”

Leave a comment

Leave a Reply