May 24, 2025
Alex Medina defends Angelica Panganiban from bashers; shrugs off ‘groping incident’
Faces and Places Latest Articles

Alex Medina defends Angelica Panganiban from bashers; shrugs off ‘groping incident’

Sep 9, 2015

Ipinagtanggol ni Alex Medina ang kanyang co-star na si Angelica Panganiban na gumaganap na Claudia Buenavista sa toprating na teleseryeng “Pangako Sa’Yo” na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

May mga bashers sa social media na nagsasabing palamura raw si Angelica. Ano ang experiences mo sa pakikipagtrabaho mo sa kanya?

“Wala naman Nike Air Yeezy 2 siyang ganoong ugali. Palabiro at enjoy siyang kasama. Cooperative naman siya. Actually iyong itatakbo ng character ko partly depends on her. Excited na nga ako kung ano ang magiging papel niya sa mga ‘Macaspac at Buenavista’,” bulalas niya.

Nasa cast si Alex ng pinag-uusapang historical epic na “Heneral Luna” kung saan ginagampanan niya ang papel ni Captain Jose Bernal, isa sa mga matapat na alagad ni Heneral Luna.

Mayroon bang Jose Bernal sa tunay na buhay?

“Mayroon. Nag-research ako. Hindi lang siya masyadong nababanggit sa mga historical books.”

Nagkaroon ka ba ng pagkakataong makapanayam ang mga nabubuhay na mga kamag-anak niya?

“Wala na. Bumuo na lang ako ng character sketch niya base sa iskrip at sa direksyon ni Direk. Nag-take advantage na lang ako kung paano lalaruin ang kanyang role,” aniya.

Kuwento pa ni Alex, nag-enjoy siya sa horse back riding habang nasa shooting sila ng “Heneral Luna.”

Para sa iyo, bakit kailangang panoorin ng bawat Pilipino ang “Heneral Luna”?

“It’s part of history. Kasama siya sa ebolusyon nating mga Pinoy. Patuloy pa rin ang pakikipaglaban natin at mga struggles para makamtan ang kalayaan sa paghahanap natin ng ating identity. Magbibigay ito ng inspirasyon sa mga kabataan kung ano ang dapat gawin. Sa anumang panahon, mahirap din talaga ang maging matuwid. Mayroon at mayroon na sasalungat sa mga ipinaglalaban mo. Pero lahat naman tayo ay puwedeng magkaisa kapag pagmamahal na sa bayan ang pinag-uusapan,” sabi niya.”Kapag pinanoood mo ang “Heneral Luna,” lalo kang magkaka-interes sa mga buhay ng ating mga bayani at ito iyong panahon para bisitahin mo muli ang kasaysayan,” dugtong niya.

Natatawa naman si Alex sa naging experience niya nang rumampa siyang nakahubad sa Cosmo bash na ginanap kamakailan sa SM MOA kung saan nahipuan siya ng mga girl, pa-girl at mga beki.

Hindi raw big deal kay Alex ang mga ganoong bagay dahil expected na niyang minsan ay nagiging unruly ang crowd sa ganoong mga okasyon. Nag-post nga ito sa kanyang Instagram account kung saan nagpasalamat ito sa Parajumpers Herr Billigt Cosmopolitan. Nag-iwan din ito ng mensahe para doon sa nanghawak sa kanyang maselang bahagi ng kanyang katawan: “Dun sa nanghawak bonus na sayo yan! Wag ka na Nike Air Max 90 Lthr maghuhugas ng kamay. We can’t control the crowd but that is foul para sa kahit kanino. Sa part ko i have to be professional sa mga ganun pagkakataon. all we want is to make the Nike Air Huarache Run audience enjoy the show. ingat nalang sa susunod para di na maulit yung ganitong insidente. But overall it was a great show.”

Maliban sa “Heneral Luna,” ginagawa ni Alex ang pelikulang “Echorsis” isang comedy kung saan katambal niya si John Lapus sa direksyon ni Lem Lorca.

Golden Goose Francy Herren Interesting at challenging ang role niya sa “Echorsis.”

“Isa kasi akong gigolo na maraming naloko kasama na si Sweet (John Lapus). Magiging vengeful spirit siya, sasapian ako at magiging bading ako. Marami akong horrendous experiences rito at na-realize ko na napakahirap palang Sweden Kits gumanap ng bading,” pagwawakas niya.

Leave a comment